Maling Tao

677 7 0
                                        

Sa 'yo ko naranasang sumaya, tumawa, lumigaya.

Kapag kasama kita, pakiramdam ko kumpleto na ang mundo.

Pakiramdam ko ikaw na ang bubuo.

Akala ko, sigurado na 'ko.


Sa 'yo ko rin pala mararanasang umiyak nang husto.

Walang tigil dahil ikaw lang ang gusto.

Alam kong ikaw lang din ang bubuo ng winasak mo.

Ikaw lang ang makakaayos ng naging magulo.


Paano ako muling mabubuo?

Ubos na ubos na 'ko.

Binigay ko na lahat sa 'yo.

Tapos iniwan mo lang ako.


Ang mga kamay mo ang gustong hawakan,

Habang ipinagmamalaki kita sa kalawakan.

Hindi ko man lang naramdaman na gusto mo na 'kong bitawan.

Na gusto mo na palang wakasan ang halikan sa ilalim ng buwan.


Ang tulang ito ay para sa maling tao na binigay ng mundo.

Spoken Word Poetry (Compilation)La tua prossima ossessione. Scoprilo ora