Masaya 'ko kasama ang mga barkada ko,
Kahit sila lang ang kasama ko ay kuntento na 'ko,
Pero nagpakilala ka at nagkamabutihan tayo.
Akala ko dati ay masaya na 'ko,
Mas masaya pala kapag magkasama tayo.
Now I'm spending my almost every time with you.
Hindi na nga ako nakakatulog dahil magka-usap tayo.
Hindi ko na rin ma-imagine ang future na hindi ikaw ang kasama ko.
Kahit anong gawin ko, I always think about you.
Ano kayang ginawa mo kanina? Anong ginagawa mo ngayon? Ano kayang gagawin mo mamaya?
Palaging ayan ang tanong sa isip ko.
Pero siguro naman lahat nagbabago,
Isa nalang ang gusto kong malaman tungkol sayo.
Mahal mo pa kaya 'ko?
Kasi kung oo, bakit ganito?
Pakiramdam ko, hindi na ako.
Pakiramdam ko, may papalit na sa pwesto ko.
Pakiramdam ko, may iba nang bumubuo ng araw mo.
Hindi ka na tumatawa sa mga jokes ko,
Wala na 'yung kislap sa mga mata mo.
Bihira ka nalang mag-reply sa chat ko.
Hindi ko na gusto ang ginagawa mo,
Nagmumukha na akong tanga dahil sayo.
Bakit parang hindi na ako?
Bakit parang wala na 'yung pagmamahal mo?
Ginawa ko ang lahat para sa'yo,
But I didn't realize that I was slowly losing you.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Spoken Word Poetry (Compilation)
PoesiaIf you can't say it, write it. English and Tagalog Poetries
