'Pag gising sa umaga'y tila wala ng gana para gawin ang mga bagay na sa akin ay inatas
Babangon at magtitimpla ng kape o kaya'y gatas
Kailangan ko nito para sa online class
Minsa'y hindi na nga kakain para sa itinakdang oras ay hindi lumagpas
Kailangang makilahok para ang grado ay tumaas
Pero nakakahiya dahil sa mga sigaw na malalakas
Hindi ako makapag pokus at parang gusto ko nalang tumakas
Darating ang oras para sa mga gawain
Sa school, I mean
Pero kailangan ko ring isipin
Ang mga gawain sa bahay namin
Okay lang naman, kaya ko naman
Pero pwedeng isa-isa lang?
May oras pa akong kailangang habulin
Ang daming kailangang gawin
Ang daming kailangang isipin
Ang daming kailangang tiisin
At ang dami ko ring gustong sabihin
Pero 'wag nalang
Baka sabihin niyo wala akong galang
Hindi ako matapang
Hindi ko kayang humingi ng tulong sa magulang
Kasi natatakot ako na sila'y manghinayang
Natatakot akong marinig na sana'y hindi nalang ako isinilang
Nakakasawa na ring marinig ang mga paratang
Na masyado akong maarte at tamad para kumilos at sumunod sa mga utos
Sino ba namang hindi tatamarin?
Kung ginawa mo na yung best mo pero kulang parin?
Pamilya na lang ang tangi kong pag-asa
Kaso lahat ay sa akin niyo inaasa
Tapos kailangan mataas pa 'yung marka
Ang dami ko ng sinasabi
Tama na nga, masyado na bang ma-drama?
Dapat pala inumpisahan ko nalang 'to sa...
"'Pag gising sa umaga'y tila wala ng gana...Na gumising sa umaga."

KAMU SEDANG MEMBACA
Spoken Word Poetry (Compilation)
PuisiIf you can't say it, write it. English and Tagalog Poetries