Gabi

884 10 0
                                        

Wala nang tao, hindi na magulo, ang payapa mo.

Sana ganito na lang palagi ang mundo.

Kaso darating ang araw na panibago,

Dahil saglit na oras lang naman ito,

Saglit na oras lang naman ang gabing inaabangan mo.

Tapos ay tapos na, andiyan na ulit sila.

Wala kang takas sa magulong umaga,

Sigawan sa harap ng lamesa,

Pagsapit ng tanghali ay bagsak ka.

Pero may nagawa ka na ba?

Kailangan ay may gawin ka,

Para pagsapit ng hapon ay bawas na.

Huwag kang mag-alala,

Kaunting oras na lang ay andiyan na siya,

Darating na ulit ang gabing inaasam mo.

Hindi mo na kailangan matakot sa sasabihin ng ibang tao,

Dahil wala nang kakausap sa'yo.

Ito na ang kapayapaan mo,

Umiyak ka kung gusto mo,

Sa'yo ang gabing 'to.

Kung masaya ka sa oras na 'to,

Sana gabi na lang palagi sa mundo

Spoken Word Poetry (Compilation)Stories to obsess over. Discover now