Comes From Him
VOTD (Verse of the Day)
Everything comes from you, and we have given you only what comes from your hand.
1 Chronicles 29:14_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.
Nakatanggap ka na ba ng regalo? Nakapagbigay ka na rin ba ng regalo? They say, "It's better to give than to receive." What is the true meaning of that?
Masarap talaga ang pakiramdam kapag nakakatanggap tayo ng isang bagay mula sa mahal natin sa buhay. Pero may mas sasarap pa pala - at iyon ang pagbibigay. Dahil makikita mo ang taong pinagbigyan mo na masaya siya sa binigay mo. Pero kung suntok ang binigay mo, malamang hindi siya matutuwa. Diba?
Okay. Back to topic. Ang lahat ng nasa atin ngayon ay galing kay Lord. Pera, sasakyan, bahay, lakas at iba pa. Alam niyo bang mas pinagpapala pa ang mga nagbibigay? Bakit? Kasi since nababawasan ang nasa kamay nila dahil nagbibigay sila, pinapalitan ni Lord yung nabawas. Meaning, 'pag nagbigay ka, may madadagdag.
Kasi, pa'no ka makakatanggap kung puno ang kamay mo? Diba? Edi ilagay sa plastic. Corny. Anyways, God wants you to spread His blessings. Kahit hindi materyal na bagay. Pwedeng galing sa pagpinta o pagsusulat. Pwedeng advice o oras. Marami kang pwedeng ibigay. And also, since sa Kanya lahat galing, nararapat lamang na magbigay tayo pabalik sa Kanya. Sa church natin. Pwede din naman yung pagtulong sa kapwa. Ang mahalaga, galing ito sa bituka mo. Este, sa puso mo.
God bless!
BINABASA MO ANG
Daily Reflection
SpirituellesDevotionals and inspiration articles with a spice of humor for your everyday journey! Cover by aluminanight