WE ARE LOVED
VOTD (Verse of the Day)
How have you loved us?
Malachi 1:2_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.
Ano ba ang pagmamahal para sa iyo? Malaking salita ang pagmamahal. Meron para sa kaibigan, kaklase, magulang, pamilya, or sa special someone mo. But, how about God? Do we love Him?
Minsan, tayong mga kabataan, nung mga 6-10 years old palang tayo, kapag hindi pinapayagan yung gusto natin, sasabihin natin sa ating mga magulang na hindi nila tayo mahal. Well, ganon din naman ako. Tapos kapag tinatama tayo sa mali, sasabihin din natin 'yun. Sometimes, we sought to see the love from their actions. Yung actions na kailangan ay pumayag sila sa gusto natin. But, it is one of the ways to show their love for us by correcting and saying no to us. How?
Pinapagalitan tayo dahil gusto nilang icorrect tayo. Sinasabi nila minsan na hindi dahil ayaw nilang mapahamak tayo or may mas maganda pang option. Ganon din si Lord. Minsan, hindi Niya ibinibigay ang mga gusto natin dahil ayaw Niyang mapahamak tayo in the future or ngayon. O kaya naman, may mas maganda pang bagay na ibibigay si Lord sayo. Or it's not the right time.
And God also corrects us. Minsan sa pagsubok dinadaan ni Lord iyan. Tinuturuan Niya tayo. Ginaguide Niya tayo. Ako, kapag may problema ako, minsan natatanong ko si Lord kung mahal niya ba talaga ako. Kasi, ang bigat-bigat na ng problema ko. But, after kong magdasal, God will comfort me and He will remind me na mahal na mahal Niya ako. Ganon din sa ating lahat. He really loves us all. Hindi porket tinatama tayo or hindi nakuha ang ating gusto, it doesn't mean na hindi Niya tayo love. Bago pa tayo isilang sa mundo, mahal na Niya tayo. May plano na nga agad Siya para sa atin. Advance kumbaga.
If your having a problem right now, well we all have because of the pandemic. Anyways, maybe this is the time to seek God. Seek His love. Always remember, He always loves us. He always cares for us. God loves you.
God bless!
BINABASA MO ANG
Daily Reflection
SpiritualDevotionals and inspiration articles with a spice of humor for your everyday journey! Cover by aluminanight