SAME
VOTD (Verse of the Day)
My command is this: Love each other as I have loved you.
John 15:12
_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.
Ikaw, nagmahal ka na ba? Ako ba 'yun? Charot. Corny. Ang mga taong nasa paligid mo, mahal mo ba? Bakit?
Ako, personally, kapag may nakikitang couple in real life at nagdidisplay sila ng kanilang sweetness ay minsan nandidiri ako. Hindi naman sa lahat. Minsan kasi, yung iba kong nakikita ay OA na. Pero kapag sa anime at wattpad, kinikilig naman ako. Minsan din ay naiimagine ko kung ano ang magiging love story na ibibigay sa akin ni Lord. At kapag naiisip ko iyon ay grabe ang kilig na nararamdaman ko. Basahin niyo mga romance novels ko, may mga scenes doon na 'yun ang gusto ko. May promotions pa eh noh?
Anyways, bakit nga ba natin mahal ang isang tao? Sa family, friends, teachers and acquaintance. And in terms of loving someone, lumalabas din ang mga actions natin na nagpapahiwatig na mahal natin sila. But why do we love others? Well, sabi nga sa Bible is love your neighbor. Hindi ibig sabihin no'n ay mahalin mo iyong kapit-bahay mo lang sa compound niyo para mabigyan kayo ng handa sa pasko. Charot. Corny ko talaga. It means na kung sino man ang makakasalubong o makakahalubilo sa buhay mo, ay mahalin mo. And kasabay ng pagmamahal ay ang care and compassion. Alangan naman na mahal mo pero saksak ang inabot niya. Hindi pagmamahal ang tawag don.
Sa mga tao na nakapaligid sa atin, kakilala o hindi, we need to love them tulad ng pagmamahal sa atin ni Lord. Dahil ito'y kalugod-lugod sa Kaanya. At isa pa, ito ay nararapat lamang. Minsan kasi, kapag hindi natin kakilala at may nakikita tayong mapipintas sa kanya, binabalewala natin sila. Hindi dapat ganoon. Tao din sila.
Always remember na mahalin mo ang mga taong nasa paligid mo tulad ng pagmamahal sa atin ng Diyos. Spread His love and His word.
God bless!
BINABASA MO ANG
Daily Reflection
SpiritualDevotionals and inspiration articles with a spice of humor for your everyday journey! Cover by aluminanight