FOR BEING WHO YOU ARE
VOTD (Verse of the Day)
Let us come before Him with thanksgiving... for the Lord is the great God.
Psalm 95:2-3
_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.
Nakatanggap ka na ba ng isang blessing na kinatuwa mo ng sobra-sobra? Bagay na gustong gusto mo? At nagbigay ka na ba ng pasasalamat about doon?
Kapag nagpapasalamat tayo sa Panginoon ay minsan sinasabi natin na "Salamat Panginoon dahil binigay Ninyo ang hinihiling ko sa Inyo." or something like that. Ganoon din ang ginagawa ko. But, may mas igaganda pa ang pasasalamat mo sa Kanya.
"Salamat Panginoon for who You are. Salamat sa pagiging Ikaw. Thank you for being a loving and caring God."
Iyan ang mas maganda. Why? Because He deserve to be known. I mean, nagpapasalamat kasi tayo dahil sa binigay Niya, hindi dahil sa Kanya mismo. We give thanks dahil sa mayroon tayo, hindi dahil sa Nagbigay mismo.
Kilalanin natin ang ating Panginoon, wag ang Kanyang mga binigay. Why? Because He is the true source of happiness and satisfaction.
God bless!
BINABASA MO ANG
Daily Reflection
SpiritualDevotionals and inspiration articles with a spice of humor for your everyday journey! Cover by aluminanight