OFF GUARD
VOTD (Verse of the Day)
Catch for us the foxes, the little foxes that ruin the vineyards.
Song of Solomon 2:15
_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.
Marami ka bang ginagawa? Marami ka bang modules na hindi pa nagagawa? Chores? Errands? At nahihirapan ka na dahil hindi mo na kaya? Napapagod ka na kasi it's the same thing everyday, na marami kang ginagawa? Na para bang hindi nababawasan?
Ako, personally, maraming talents na binigay si Lord sa akin. Sa arts, like drawing ang painting, sa literary like writing poems and making novels. Hindi sa nagmamayabang ako, pero sinasabi ko lang. And marami din Siyang pinakilala sa akin na bagay na naging passion ko. Pagsusulat, playing instruments, listening to music, reading books, watching anime and learning different things. Ako ang panganay, isa lang ang kapatid ko at he is 7 years old. Both of my parents have work, so ngayong bawal ang minors sa labas, kaming dalawa lang ang naiiwan. Yung responsibilidad ko bilang Kuya, a student in the middle of pandemic, a self-proclaimed author here in Wattpad, marami akong ginagawa. Maraming errands to do. And this leads to kakulangan ng oras ko para kay Lord.
Minsan, naiinis ako sa sarili ko. Kasi kapag maraming oras, hindi ko nagagawa yung mga dapat gawin. Pero kapag kakaunti na lang ang oras, naghahanap ako at nagrereklamo. Minsan naman, sabay-sabay dumadating yung mga dapat gawin ko, kahit marami ang oras, kulang. Hindi ko na nga nagagawa lahat ng dapat kong gawin, hindi pa ako nakapagdevotion at nakapagspend ng time with the Lord.
Minsan kasi ay nanghihingi tayo ng tulong kay Lord para matulungan tayo sa mga araw-araw na gawain natin pero Siya mismo, nakalimutan na natin. Nakakausap lang natin Siya kapag need natin ng guidance, help at strength. Wag mong hahayaan na may magtanggal ng atensiyon mo sa Panginoon.
Focus on Him. Kahit marami kang ginagawa, give Him a minute to pray between your errands. Kausapin ko Siya kahit saglit lang kada tapos mo sa isang gawain. Kung dati ay naghahanap ka ng oras para matapos ang mga dapat gawin mo, ngayon, maghanap ka ng oras para sa Kanya.
God bless!
BINABASA MO ANG
Daily Reflection
SpiritualDevotionals and inspiration articles with a spice of humor for your everyday journey! Cover by aluminanight