August 31, 2020

156 7 0
                                    

S.O.S

VOTD (Verse of the Day)
Everyone who calls on the Name of the Lord will be saved.
Acts 2:21

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

Ano nga ba ang S.O.S? Diba ito yung ginagamit pantawag kapag may nangangailangan? May humihingi ng tulong🎶🎵Go Wonderpets!🎵🎶 Okay. Back to topic. Ikaw, gumagamit ka ba ng S.O.S?

Sa mga sitwasyon na nahihirapan tayo, we seek for help. Bakit? Kasi hindi na natin kaya. We are humans. We also have limitations. At hindi lahat ng bagay ay kakayanin natin. But, in the help of the Lord, all things are possible.

Maybe you're wondering na kapag humingi ako ng tulong mula kay Lord, bakit walang dumadating? Well, minsan, dumating na. Nagbubulagbulagan lang tayo. And sometimes naman, God is already sending His instrument pero hindi tayo makapaghintay. Ang sabi nga diba sa ating verse of the day, " Everyone who calls on the Name of the Lord will be saved." Tandaan niyo na may will. It means ay nakatakda na. Hindi na magbabago. Planado na. So, why worry?

Tandaan natin lagi na kapag si Lord ang gumawa ng promise, He will do it. Why? Because He loves us.

Don't worry na kapag nasa sitwasyon ka na nahihirapan ka na, and you feel lonely at walang tulong na dumadating. Why? Baka naman kasi nasa tabi mo na ay hindi mo parin pinapansin kasi hindi iyon ang gusto mo. Or baka naman parating palang, kaso naiinip ka na. Minsan, in trusting God, we also need patience. Keep faith. Kapag wala pa, akala mo lang yon.

Carlo Aquino be like:
"AKALA MO LANG WALA! PERO MERON! MERON! MERON!

'PAKKKKKK'

Boom! Sinampal siya ni Vilma.

Just keep your faith to God. Lagi siyang nakikinig sa'yo. Lagi siyang nandiyan para sa'yo. Si Lord pa? Eh love na love ka non. Ayieeeeeee!

God bless!

Daily ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon