December 2, 2020

80 3 0
                                    

HIDING PLACE

VOTD (Verse of the Day)

I call on you, my God, for You will answer me; turn your ear to me and hear my prayer.

Psalm 17:6

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

Have you ever felt threatened? Na nangangailangan ka ng lugar na matataguan? Na isang ligtas na lugar?

Kapag tayo minsan ay may mga pagsubok na kinakaharap o may mga bagay na nagbibigay sa atin ng kapahamakan, we want to find a good shelter. Gusto natin at kailangan natin ng lugar na matataguan o mapupuntahan kapag tayo ay nasa peligrong sitwasyon. Tulad ng family, friends, and to the people who surrounds you and anything else.

Minsan naman, hindi tayo natatakot. Minsan, handa tayong harapin ang pagsubok na nakaharang sa dadaanan natin. Nagiging matapang tayo dahil may prinsipyo tayong pinaglalaban at pangarap na gustong maabot. But, deep inside, we know that we are very vulnerable. Kahit ikaw na ang pinakamatapang at pinakamalakas na tao sa mundo, you will still have a chink in your armor. You will still be vulnerable to some certain things. Nagiging matapang kahit hindi naman talaga. Nagiging malakas kahit hindi naman talaga.

Why? Kasi, wala dito sa mundo ang nagiisang lakas na hindi natitibag. Wala dito sa mundong ito ang lakas na walang makakapantay. Makukuha lang natin iyon sa ating Panginoon. Sa Kanya lang nanggagaling ang tunay na lakas. Minsan kasi, sasabihin natin, wala naman Siyang ginagawa. Kung meron man Siyang gagawin, kailan pa? Stop. Stop thinking like that. May gagawin Siya. Magtiwala ka lang. Bibigyan ka Niya ng lakas, ng tunay na lakas.

God bless!


Daily ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon