SHINE
VOTD (Verse of the Day)
Shine among them like stars in the sky as you hold firmly to the word of life.
Philippians 2:15-16
_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.
Ilaw. Liwanag. Sinag. Mga salitang may pagkakapareho. At yun ay, sila ay tagalog. Charot. Mga salitang may kahulugahan na nagbibigay ng liwanag sa atin, o mga salitang ginagamit para tayo'y makakita sa mundong kinakatayuan natin. Okay, matanong ko lang, comment nga kayo, inline ah, kung natatawa kayo sa jokes ko. Gusto ko lang malaman. Please. Tiyaka, para malaman ko din kung sino yung mga nagbabasa nito. Para kung hindi kayo natatawa, edi hindi. Charot. Geh, read well.
Mahirap makakita kapag walang ilaw o liwanag. Hindi tayo pusa para makakita sa dilim. Hindi tayo super heroes para may night vision ability sa ating mga mata. Nakakaaninag ngunit hindi nakakakita ng lubusan. Unless na lang kung pusa ka talaga. Meow. 🐱🐱🐱
Minsan nangyayari ito sa atin. Nabubulag sa ibang bagay tulad ng pera. Nandidilim ang paningin dahil nababalutan tayo ng mga iba't ibang bagay na hindi naman makakabuti sa atin. Dilim ang nakikita imbis na liwanag, at dahil doon, lumilihis tayo ng landas. Hindi natin nakikita ng maayos ang katotohanan sa kasinungalingan.
I know, some of you na nagbabasa ay nageemit ng shine to others in different ways. Like, cheering someone up or helping them. But, sometimes, we, tayo mismo ay hindi nakahawak sa tunay na source ng liwanag. And that is Jesus! Oo, nakahawak tayo sa Kanya, but as time goes by, nawawala ang focus natin sa Kanya, and thus, hindi natin naeemit ang tunay na liwanag. We only reflect His light to others. We are His instruments. Jesus loves us that He wants that all of us will see His light.
God bless!
BINABASA MO ANG
Daily Reflection
DuchoweDevotionals and inspiration articles with a spice of humor for your everyday journey! Cover by aluminanight