FIRM
VOTD (Verse of the Day)
Everyone who hears these words of mine and puts them into practice is like a wise man who built his house on the rock.
Matthew 7:24
_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.
Are you familiar with the Bible? Nababasa mo ba? Lastly, ginagawa mo ba?
These three questions above ay malamang alam na nating lahat and sagot. Mahirap lang sagutin for some reasons.
Anyways, sabi nga sa verse natin for today ay kung pinapakinggan at isinisagawa ay para kang gumawa ng bahay sa matatag na bahay. Pero kapag pinapakinggan o binabawa lamang at hindi ginagawa, para ka namang gumawa ng bahay sa buhangin. What does that mean?
Minsan, ang ginagawa nating foundation ng ating mga buhay ay mga materyal na bagay. Minsan pera, kapangyarihan, special someone mo o reputasyon. Kahit ano na nandito sa lupa ay mawawala din. But the Lord always says na ang gawin mong foundation ng buhay mo ay ang Kanyang salita at Siya mismo! Why? Dahil kahit anong pagsubok pa ang dumaan sa buhay mo, mananatili kang matatag dahil sa Diyos mo nilagay at pinagkatiwala ang iyong buhay.
God's word is like a rock. Matatag. Kahit anong gawin mo ay hindi matitibag. Actually, mas matibay pa nga sa bato ang salita ng Diyos. Sa Kanya mo ilagay ang buhay mo. Be wise. Wag mong ilagay sa ibang bagay ang buhay mo dahil hindi iyon ganon katibay.
Basahin mo ang Kanyang salita. Intindihin mo. Isapuso mo. At higit sa lahat, gawin mo.
God bless!
BINABASA MO ANG
Daily Reflection
SpiritualDevotionals and inspiration articles with a spice of humor for your everyday journey! Cover by aluminanight