November 15, 2020

66 2 0
                                    

AMBASSADORS

VOTD (Verse of the Day)

Your love for one another will prove to the world that you are My disciples.

John 13:35

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

Minsan na bang naaliw ka sa isang bagay? Minsan na bang nadistract ka at 'yung dapat mong gawin ay nakalimutan mo na? Eh ito, minsan mo na bang nalimutan ang koneksyon mo sa Panginoon?

Tayo, itong henerasyon natin, marami tayong pwedeng pagkaabalahan. Cellphone pa lamang. Ito nga oh, gumagamit ka ng Wattpad. May mga bagay na makakakuha ng oras natin at atensyon. Lalo na kung marami kang hobbies at gustong gawin tulad ng pagbabasa sa Wattpad at panonood ng anime.

Oras. Bagay na hindi na maibabalik. Bagay na napakahalaga. Atensyon. Bagay na inaasam ng lahat. Pero, naibigay mo na ba ito sa Diyos na nagbigay lahat ng pangangailangan mo? Well, ako din ay minsan hindi ko naibibigay sa Kanya. Actually madalas pa nga eh. Nalilibang tayo sa mga bagay na nakapaligid sa atin. Nawawala ang atensyon natin sa Kanya.

But that doesn't mean na hindi na Niya tayo pwedeng maging disipulo. Na hindi na tayo pwedeng lumapit sa Kanya dahil hindi naman natin Siya nabibigyan ng oras at atensyon. Magmahal ka na lang. Ako. Pwede. Single ako. Chour. Magmahal ka. It doesn't mean na mahal as true love but mahal with kindness. Minsan kasi ay binabalewala natin ang ibang tao sa paligid natin for some certain reasons. Loving your neighbors means that we are God's disciples. Nasa verse natin iyon. But also, let us spend time with our Creator. That's a friendly reminder!

God bless!


Daily ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon