September 6, 2020

117 5 3
                                    

Author's Note
Hello! Hahaha, sorry kung naglaktaw ako. Since online classes na, medyo nagipit yung schedule ko sa pagsusulat. Maaga kasi start namin. And may iba pa akong ginagawa so yung daily routine ko, nagbago. But, I will adjust to spread the word of God. No giving up!

MY WEAKNESS, MY STRENGTH

VOTD (Verse of the Day)
Alarmed, Jehosophat resolved to inquire of the Lord, and he proclaimed a fast for all Judah.
2 Chronicles 20:3

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

Ikaw, saan ka mahina? Saan ka malakas? Bawat tao, may mga kahinaan sa iba't-ibang bagay. Pero, paano natin gagawing malakas kung saan tayo mahina?

May aatake sa pinamumunuan ni King Jehosophat. Naaalarma siya sapagkat dahil may kalaban na darating. Pero, he kept his faith to God. Nagutos siya ng fasting sa lahat ng taga Judah. At nilagay niya ang mga singers who praised God sa harap mismo. And God gave victory to Jehosophat.

King Jehosophat kept his faith. Kahit may kalaban na paparating, nagutos siya ng fasting sa mga taga Judah. At naglagay pa siya ng singers sa harap mismo. Kahinaan man kung titingnan, pero sila'y nagtagumpay. Bakit kahinaan, kasi nagpafasting siya instead of maghanda para sa laban. Naglagay siya ng singers instead of mga kawal. But, God gave victory to them.

Minsan, hindi natin tinataggap na tayo'y mahina sa isang bagay at binabalewala lang natin si God. Hindi tayo magtatagumpay sa isang bagay if we don't see our weakness. Kasi kapag nakita mo ang weakness mo, edi may mata ka. Corny. Kapag nakita mo na, malalaman mo ang mga hakbang na gagawin mo para masolusyunan ito.

In order to achieve something, we need God. We need His strength. At ang weakness natin, we need to turn it into our strength. Keep faith in God and rely on Him. But, we still need to do our part. By keeping faith. And God will do the rest.

God bless!

Daily ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon