Nanatili akong tahimik habang kumakain kami sa The Coast. Nasa harapan ko si Yto at kanina pa siya nakatitig. He's watching me like a hawk waiting to attack his prey.Masyado ata akong halata.
"Let's swim muna sa beach today? Bukas na tayo gumawa ng activities. I heard meron din silang pinoprovide na bonfire every night. Yun na muna gawin natin," ani Lucian.
Agad kaming sumangayon. Gusto ko na din muna magpahinga ngayon. Isang linggo pa naman ang itatagal namin dito kaya sulit na din iyon.
Matapos kumain ay agad kaming dumeretso sa beach. Naupo ako sa sun lounger at nilapag ang take out kong iced tea kanina. I removed my shades and put it beside my drink. Ang mga lalaking Carvajal ay dumeretso na sa dagat.
Pinagmasdan ko si Yto. Kasama siya kela Lucian na pinagtutulungan nila si Kalel. Napailing ako at napangiti. May side naman pala si Yto na ganito. Akala ko ay ubod siya ng sungit but I'm wrong. He has this silly side when he's with his cousins. Yto's laughing with them, halatang tuwang tuwa kay Kael na nakabusangot na.
I observed the droplets of water cascading down his sculpted chest. My attention shifted to his defined abs. Damn, why are there eight of them? And his alluring V-line.
Forgive me, for I have sinned talaga.
Bigla naman lumingon si Lucian sa isang gawi kung saan may grupo ng mga babae. Itinuro niya iyon kela Archer pero imbes na tignan iyon ni Yto, lumapat ang tingin niya sakin. He caught me staring at him!
Agad akong nagiwas ng tingin at uminom sa iced tea ko. Bigla namang pumasok sa utak ko ang babaeng importante sakanya na nagngangalang Summer. Is she his girlfriend? Ex? Pero kung may girlfriend siya, hindi dapat siya nagpost ng picture ko sa IG feed niya.
"Kita namin yon," nakangising saad ni Queen.
I raised a brow. "What?"
"Nako, galawang Vivian nga naman," Myles teasingly said. Binato ni Queen sakanya ang dress na hinubad. She's now wearing her one piece swimsuit.
"Tanga! Ni hindi pa nga natin nakikita yung galawan niyan." Ngumuso si Myles at binato pabalik kay Queen ang dress nito. Muntik pa ako matamaan dahil sa gitnang lounger ako nakaupo habang sila ay nasa magkabila ko.
"Tara na. Ang bagal ni Vivian. Kami maghuhubad nyan!" Queen stood up. Akma siyang lalapit sakin ngunit sinipa ko ang buhangin sa paahan ko papunta sakanya kaya hindi siya tuluyang nakalapit.
"Eto na," Iritadong saad ko at tumayo. I removed my sundress. Naiwan nalang sa akin ang two piece ko.
Sumipol si Myles. "Damn girl!"
"Tangina. Baka makalimutan kong straight ako. Tara na nga!" Natawa kami pare pareho sa biro ni Queen.
We walked towards the shore. I unconciously landed my gaze on Yto. He's staring at me. Napabuga ako ng hangin at nagpatianod nalang sa naglalakad na si Queen at Myles papunta sa dereksyon nila.
Nagpaiwan nalang ako at umupo sa buhangin. Nilalaro ko lamang ang mga paa kong inaabot ng tubig at pinagmasdan ang mga kaibigan kong halata na nagbabatuhan nanaman ng asaran.
"Aren't you going to join them?" Yto sat beside me. Basang basa pa siya dahil kakaahon niya lang mula sa dagat.
Umiling ako. "Baka nga bumalik ako sa hotel. Doon nalang ako sa pool."
"I'll go with you, then."
"No need. Just enjoy with your cousins," I smiled timidly at him.
He cleared his throat. "You're engaged," he said. Para bang hindi niya sakin sinasabi iyon, kundi sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
The Heiress' Downfall (COMPLETED)
Roman d'amourCarvajal Series #1 Vivian Colina Leveste, the Leveste family's heiress, has all the riches she could wish for, but she's missing one thing: happiness and love. She's always been eager to please her parents, constantly surpassing their hopes. So, whe...