"Take care of yourself, okay?" I muttered while fixing Yto's suit.We're currently in airport. Kailangan daw siya ni Tito Yvo sa France kaya nagrepresenta akong ihatid siya sa airport. They're staying there for a few days. Hindi naman daw aabot sa birthday ko dahil sinisigurado niya na hindi pwedeng wala siya sa kaarawan ko.
He nodded as he kiss my temple. "Please call whenever you have time, baby." Tumango din ako. Kung makaakto kami parang ang tagal naming malalayo sa isa't isa.
Napalunok ako. What if.. Nope, nevermind.
Bukas din ang start ng foundation week sa LU. May booth na gagawin ang section namin kaya naman busy ako simula bukas. But I'd still find a way to connect with Yto. Hindi pwedeng matatapos ang isang araw na hindi kami naguusap.
"Sir? The plane is ready," singit ng tauhan ni Tito Yvo na ipinadala niya para sunduin si Yves.
"I'm still talking to my girl. Give me a minute," pagsusungit niya kaya pinalo ko siya sa braso. "Ow. What, baby?"
"Don't be so rude," inirapan ko siya at niyakap. "Be back, baby. I'll wait for you."
He fully kissed me on my lips and then on my forehead. "I love you," I smiled and gave him a last hug saka siya tumalikod at naglakad papalayo.
Bago pa man siya makapasok nang tuluyan, he turned his head back to my direction and smiled. I chuckled and waved at him which he returned.
My smile faded when he disappeared from my sight. Why does it feel like something's wrong?
It's the third day of our foundation week. Tatlong araw na din mula nang umalis si Yto. Kahapon ay wala siyang paramdam pero hinayaan ko nalang muna dahil baka madami siyang ginagawa.
I was sitting quietly at the corner of our stall when our President started blabbering.
"Vivian, ikaw nalang nga!" I sighed. Tumayo na ako at kinuha ang cardboard mula sa president ng block namin na si Willow.
Nagbebenta kasi kami ng lemonade and kapag bumili, may free hug sa muse namin. Pero yung muse namin, ayun MIA kaya naman gigil na gigil si Willow.
Malaki ang ngiti sakin ni Willow nang dumugin ang stall namin dahil tumayo ako sa tabi nito na hawak ang cardboard. Nahagip ng mata ko magpipinsan kong kaibigan. Napangiwi ako dahil nakatutok sakin ang camera na hawak nila. Luminga linga muna ako saka inangat ang gitnang daliri ko dahilan para magtawanan sila.
"Idiots," I muttered.
Ang dami nang nakayakap sakin pero isa lang naman ang gusto kong mayakap, yung lalaking hindi nagparamdam simula kahapon. I'm not even sure kung kailan siya uuwi, basta ang sabi niya 4 days lang sila doon.
I pouted. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at chineck ang calendar. Today is September 14. 16 ang uwi niya at 17 naman ang birthday ko.
"Where's my hug?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang isang baritonong boses. I saw a tall and good-looking guy. His hair is in a messy state and his blue orbs are staring deep into my soul.
Mas gwapo pa din si Yves.
Wait. Why would I even compare this guy to Yves? My boyfriend is way better than him. I scoffed mentally and almost slapped myself.
Binigyan ko lang siya ng 1 second hug saka bumalik ang tingin sa phone ko. I paused a bit. The guy.. I think he's familiar.
Biglang may bumulong sa tenga ko. "Is that how you greet me, Empress?" Napalayo agad ako at tinitigan siya nang masama.
"Who are you?" I muttered through my gritted teeth. He was about to speak ngunit biglang may humila ng kwelyo niya mula sa likod at inakbayan siya.
"Bala o kutsilyo?" Kuya Ares asked the guy.
BINABASA MO ANG
The Heiress' Downfall (COMPLETED)
RomansaCarvajal Series #1 Vivian Colina Leveste, the Leveste family's heiress, has all the riches she could wish for, but she's missing one thing: happiness and love. She's always been eager to please her parents, constantly surpassing their hopes. So, whe...