Yto's conversation with my cousins last night never left my mind. Isn't he intimidated by them? Le'Vandoren and Levestes are damn scary, lalo na pag nagsama sama ang mga ito.Nevermind. He's a Carvajal. One of the most powerful families I know.
"What are you thinking?" Yto stood beside me. We're already in Manila. Inaantay nalang namin ang susundo sa amin.
"Nothing." Humarap ako sakanya at isinandal ang baba ko sa balikat niya. Niyakap naman niya ako ay pabirong hinele. "Are you enrolled na?"
He nodded. "How about you?"
I pouted. "Naenroll na daw ako ni Mommy. Wala na akong rason para lumabas."
"Saan ka naman pupunta?"
"Sayo," I smiled cheekily. Pinisil niya naman ang pisngi ko at tumawa.
"We're invited to your party."
Bumagsak ang balikat ko nang maalala na may engagement party pala ako. I bit my lower lip. "Ah.."
Pansin niya ang pagiging matamlay ko kaya humalik siya sa pisngi ko. "I'm sorry. Hindi ko na dapat pinaalala."
Umiling ako. "Don't be sorry. It's fine." Ngumiti ako at tumingkayad para mahalikan ang tungki ng ilong niya. Nagtawanan kami nang biglang tapikin ni Myles ang braso ko.
"Sasakyan ni Tita Via," bulong niya. Napatingin kami sa padating na sasakyan at nagpark sa harap namin. Lumayo ako nang bahagya kay Yto at pinakawalan naman niya ako.
Bumaba mula roon si Fabio at sumunod si Mommy.
"Vivian," bati ni Mommy sakin. "I love your tanned skin, anak," I giggled because of her compliment.
"You love it but you don't want to have it," she laughed at my remark and kissed my cheeks.
"Vian," bati ni Fabio. He put a hand on my back and also kissed my cheek.
Wala sa sariling napatingin ako kay Yto. Madilim siyang nakatigin kay Vince ngunit nang makita niya akong nakatingin sakanya, lumambot ang expresyon niya.
"Tita Via," bati ni Yto sakanya at yumakap. They seem so close.
Ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan ko. They're all close to Mommy. Matapos nilang magbatian ay kinuha na ni Fabio ang maleta ko na nasa tabi ni Yto. Nagkatitigan pa sila.
"Una na kami. Let's see each other next week," saad ko habang nakayakap kay Queen. I did the same with Myles and the three idiots.
Nauna nang pumasok si Mommy sa sasakyan habang si Vince ay inaantay ako sa labas.
Nang tumapat ako kay Yto ay siya na ang yumakap sakin. I clunged my arms on his neck and hugged him tightly.
"I hate that boy. Pwede ba siyang ipa shoot to kill kela Ares?" I laughed and then slapped his shoulder. "Go home, my baby." Humalik siya sa noo ko kaya narinig namin ang tikhim ni Fabio. Pasimpleng bumulong bulong sila Queen na epal daw siya.
I gave them a smile before getting inside the car. Tumabi ako kay Mommy habang si Fabio ay nasa shot gun seat. I'm just staring at the rearview mirror where I can see Yto. Bigla akong tinapik ni Mommy.
"We'll talk later," bulong niya. Tahimik akong tumango.
After our driver dropped Vince at his place, dumeretso na kami sa mansyon.
"Where's Daddy?" I asked her when we stepped inside our home. Hindi niya ako sinagot instead, iba ang sinabi niya.
"Follow me, Vian," ani niya at umakyat. Sumunod naman ako agad.
BINABASA MO ANG
The Heiress' Downfall (COMPLETED)
RomanceCarvajal Series #1 Vivian Colina Leveste, the Leveste family's heiress, has all the riches she could wish for, but she's missing one thing: happiness and love. She's always been eager to please her parents, constantly surpassing their hopes. So, whe...