IF THIS IS THE LAST TIME

13 4 0
                                    


'IF this is the last time' Iyan ang mga katagang binitiwan ko ng iniwan ako ni Sarah sa ere
Pinili niyang sumama sa iba dahil feeling ko hindi ako worth it maging boyfriend. Pakiramdam ko nga kinakahiya niya ako kapag magkasama kami at nandiyan ang mga barkada niya

"Babe, may problema ba tayo?" Tanong ko kay Sarah ng mapansin kong hindi niya ako kinikibo
"Wala-" Malamig naman nitong sagot at tumingin sa malayo

Napaayos ako ng upo sa kanyang tinuran

"Babe, mag-usap nga tayo kasi-" Hindi pa nga ako tapos magsalita ay nagulat na ako sa kanyang sinabi
"Nag-uusap naman tayo ah? Ano bang gusto mong palabasin!" Sumbat nito sa'kin na ikinakurap ko ng ilang beses

Dati rati naman ay hindi niya ako sinisigawan at sinusumbatan

"May galit ka ba sa'kin? Ba't mo ba ako sinisigawan?" Mahinahon kong usal
Napabuntong hininga si Sarah at tumingin sa akin na nanlilisik ang mga mata

"Ayoko na! Maghiwalay na tayo, ang boring mong kasama!!" Sabi nito

Napatigalgal ako

Sa tagal tagal naming pagsasama ay ito ang unang salita na natanggap ko galing sa kanya
Hindi ako manhid. Nasaktan ako sa sinabi niya dapat sa una pa lang ay sinabihan na niya ako para naman alam ko ang dapat kong gawin

"Sorry babe ah, kung boring akong kasama-hindi ka kasi nagsabi sa'kin para naman malaman ko kung ano ang dapat kong gawin..." Nginitian ko siya para maitago ko ang sakit na aking nadarama

"Alam mo ba kung bakit ang boring mong kasama? Wala ka kasing ibang kinukwento bukod sa buhay mo, sa parents mo, sa mga ginagawa mo.... Kung ako ang tatanungin walang ka interes interes sa'yo" Pambabara nito

Grabe mga dude! Ang sakit lang isipin na ang girlfriend ko pa ang mismong humila sa'kin pababa. Diba dapat sinusuportahan niya ako? Kaya nga nagkukwento ako sa kung ano man ang mga bagay na nangyari sa'kin kasi gusto kong malaman niya 'yun. Kaya nga kinukwento ko sa kanya ang mga parents ko kasi balak ko siyang ipakilala sa kanila kapag nagkaroon ako ng lakas na loob. At kaya nga kinukwento ko sa kanya ang buhay ko kasi kasama siya sa mga plano ko in the future....

"Hindi mo ba alam kung bakit ikinukwento ko sa'yo ang mga 'yun? Kasi kasama ka sa mga plano ko... Ikaw ang buhay ko Sarah!" Pagpapaintindi ko sa kanya
"Walang future na mabubuo sa atin Bregs! Hindi mo nga mabago ang iyong sarili para sa'kin!"

Again, I received another hurtful words from her

Kung mahal niya talaga ako ay tatanggapin niya ako kung ano at sino ako.

"Kung mahal mo talaga ako Sarah ay tatanggapin mo kung sino ako, kaya kong baguhin ang sarili ko basta h'wag ka lang makipaghiwalay sa'kin!" Pamimilit ko kay Sarah para hindi niya ako hiwalayan

"Hindi mo ako mapipilit sa kung ano man ang gusto ko Bregs. Buo na ang desisyon ko-maghiwalay na tayo" At pinahid ang isang luha na kumawala sa kanyang kaliwang mata

Napatawa ako ng pagak

Alam kong sigurado na siya, desididong desidido na talaga siya
"Sige, if this is the last time na makasama kita pwede bang mayakap ka. Kahit saglit lang-"

Hindi sumagot si Sarah sa aking hiling kaya dali-dali ko siyang niyakap ng mahigpit kahit masakit sa'kin ay tatanggapin ko. Kung saan siya masaya ay ikakasaya ko din.

"Bitawan mo na nga ako! Kung makayakap ka ah, parang ano." Reklamo nito na ikinayuko ko na lamang; hindi ko magawang magalit sa kanya dahil mahal ko siya, ang martyr ko masyado diba?

"Love! Nandiyan ka pala, kanina pa kita tinawagan di ka man lang sumasagot-" Sulpot ng lalaki na ikinaangat ko ng tingin
"Sorry Love kasi nalowbat ako eh" Parang maamong tutang sagot naman ni Sarah

Kahit kailan ay hindi siya nagsalita sa akin ng ganyan, hindi siya nagpapalambing sa'kin. Maging sa paghawak ng kamay, paghalik sa pisngi at noo ay ayaw niya

"Love, sino siya?" Tanong ng lalaki kay Sarah at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa
"Ah, he's just a friend of mine Love-"

He's just a friend of mine
He's just a friend of mine
He's just a friend of mine

Paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang katagang iyan. So all this time kaibigan lang ang turing niya sa'kin. Grabe, sobrang sakit ideny dude!

"Ah, talaga ba?" Sagot naman nito at inakbayan si Sarah
"Ako nga pala si Mike-" Sabay lahad nito ng kamay

Tinanggap ko ang pakikipag kamay niya at binigyan siya ng tunay na ngiti
"B-bregs-" Sagot ko naman
"Nice to meet you pare!" At tinapik ng dalawang beses ang aking balikat

"Same here p-pare." At tinanguan ito
"Sige, mauuna na kami..." Sabi nito at tinalikuran ako
Tiningnan ko si Sarah, at sa huling pagkakataon ay nakita kong masaya siya-sa piling ni Mike

Nanginginig naman na kinuha ko ang maliit na box sa aking bulsa. Magpopropose sana ako ngayon sa kanya pero sinira niya ang moment na iyon. Alam kong nakakabaklang tingnan pag nakita mong umiiyak ang isang lalaki, pero hindi ko talaga mapigilan eh

Kinuha ko ang engagement ring at tiningnan ito. Ito na ang huling pagkakataon na nasaktan mo ako ng sobra, sana masaya ka sa piling niya-Sarah....

The Great Fiction Stories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon