"HAPPY birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday. Happy birthday Jhanel!" Kanta ng aking mga kaklase sa'kin habang may dala dalang cake"Salamat guys ha, nakapunta kayo." Nakangiti kong saad sa aking mga barkada
"Ano ka ba Jhanel! Wala 'yun basta para sa bunso namin, gagawin namin..." Segunda naman ni Ate JandyNapatawa na lang ako ng malakas sa kanyang sinabi. Hindi lang kasi ako makapaniwala na iniispoil nila ako
"Ilang taon ka na nga ulit?" Tanong sa'kin ni Ate Reiko
"Seventeen na po—" Sagot ko naman
Napatango tango naman si Ate Reiko gano'n din si Ate JandySi Ate Jandy at Ate Reiko ay kapatid ko sa ama, actually kambal sila and both of them are good to be with. Masaya silang kasama at minsan nalilito ako kung sino sa kanilang dalawa si Jandy o hindi kaya ay si Reiko
"Oy Jhanel, salamat sa pag invite sa'min ah. By the way, happy birthday ulit—" Singit ng kaklase kong si Toby
"Wala 'yun ano ba kayo" At nilapitan ko sila"Uuwi na kayo?" Tanong ko sa kanila ng mapansin kong kanya kanya na sila ng ligpit ng kanilang mga gamit
"Oo eh, past seven na kasi tsaka madilim na sa daan. Okay lang sana kung magkakapitbahay tayo pero kailangan na talaga naming umuwi" Si Rhian ang secretary namin sa room"Ganoon ba? Sige, mag-ingat kayo ah—" Sagot ko naman at hinatid silang lahat sa labas
"Masaya ka ba sa araw na 'to?" Biglang akbay sa'kin ni Ate Reiko na ikinapitlag ko sa gulat"Ate! Ginulat mo ako—" Nakasimangot kong usal
Natatawang ginulo naman ni Ate Reiko ang aking buhok at mas hinigpitan pa ang pagkakaakbay sa'kin"Ano ka ba naman Jhanel! Seventeen ka na, magugulatin ka pa din?!" Si Ate Jandy naman ang nagsalita
"Ewan ko sa inyo mga Ate. Natural, magugulatin na talaga ako dati pa—kaya masanay na kayo sa'kin." At tinalikuran silang dalawaNarinig ko pang nagtawanan silang dalawa at nag apperan pa. Ewan ko sa kanila—trip talaga ng mga Ate ko ng manggulat ng mga taong madali lang masindak
—
"Bulaga!" Napasigaw na lang ako sa gulat ng gulatin na naman ako ni Ate Reiko pagkalabas na pagkalabas ko galing sa aking banyo
"Ate!" Hindi ko mapigilang sigawan siya. Naturang napahigpit ang hawak ko sa tuwalya dahil sa inis na nadarama
Minsan talaga ang sarap sabunutan ni Ate Reiko dahil sa dakilang may pagkasuwapang ito
"Nagulat na naman kita 'no? Grabe nakakatawa ang reaksiyon mo!" Tumatawang usal ni Ate Reiko habang hawak ang sariling tiyan na tinuro ako
Sinamaan ko naman siya ng tingin sa uri ng kanyang pagkakasabi. Ang sarap niyang suntukin kung alam niyo lang
"Ang saya natin ah?" Pasok ni Ate Jandy sa aking kwarto dala dala ang basket na puno ng tutupiing damit
"Eh, kasi itong si Jhanel. Ginulat ko—parang pusa na napatalon sa sobrang gulat." Natatawang usal pa din ni Ate Reiko
Napapailing na lamang si Ate Jandy sa sagot ng kanyang kambal at sinimulang inilagay ang aking mga naghalong damit sa kama
"Itigil mo na nga 'yang panggugulat mo kay Jhanel." Sabi ni Ate Jandy kay Ate Reiko
Nilalaro naman ni Ate Reiko ang iilang hibla ng kanyang buhok at tiningnan si Ate Jandy
"Like duh! Jandy hindi naman ikaw ang ginulat ko ah? Diyan na nga kayo!" Bulalas nito at padabog na lumabas ng aking kwarto saka inihambalos ang aking pintuan pasara
Tiningnan ko naman si Ate Jandy na ngayon ay kakatingin lang din sa'kin
"Pagpasensiyahan mo na si Reiko Jhanel ah, may pagka bipolar kasi ang isang 'yun. Intindihin mo na lang" Kiming ngumiti sa akin si Ate Jandy at kinuhang muli ang basket saka lumabas sa'king kwarto
BINABASA MO ANG
The Great Fiction Stories (Completed)
De TodoThis is my first compilation of one shot stories, lahat ng karakter na nasa kwentong nilikha ko ay imahinasyon ko lamang at suhestiyon ng aking mga kaibigan. Ang lugar at ang mga pangyayaring naganap sa bawat kwentong inyong nabasa ay gawa gawa ko l...