"OY, Dessh kilala mo ba 'to?" Parang kinikilig na kinalabit ako ni Mia
"Ha, sino?" Salubong ang dalawang kilay na sagot ko naman at sinilip ang cellphone niya"Si Vincent Fernandez! Ano ka ba, 'di mo siya kilala?" Nagtatakang palatak naman nito
At dahil sa nakukyoryus na ako kung sino nga si Vincent Fernandez kinuha ko ang cellphone ni Mia at pinakatitigang mabuti ang picture nito"Hindi ko talaga siya kilala, sino ba siya ha Mia?"
"Palagi ka na lang kasing libro libro kaya hindi mo na napapansin ang mga taong nandito sa paligid mo. Siya si Vincent Fernandez bagong estudyante sa University natin—" Mahinahong sabi ni Mia at umayos ng upoAhh, bagong estudyante..... Paki-alam ko ba? Tao lang naman siya
"Oh tapos? Ba't mo naisipang ipakilala sa'kin?" Natatawang wika ko at napapailing na ibinalik ang atensiyon sa librong binabasa
"Malay natin, baka pumasa sa standards mo yiehh...." Kinikilig na usal nito na parang naiihi"Bad influence ka talaga sa'kin Mia, alam mo naman 'di ba na wala akong panahon sa mga 'yan? Tsaka aral ka muna—" Pang rerealtalk ko
Totoo naman eh, mas active pa 'to sa kalandian kesa sa pag-aaral. Kaya nga hindi nakakatuntong ng with high honors si Mia kasi puro line of seven ang grades niya
Sayang maganda pa naman, mahina lang ang utak
"Grabe ka ghorl! Anong gusto mong gawin ko? Tumulad sa'yo, paano ba maging Deshery Galado Zamora Maglasang?" May halong sarkasmo sa boses nito
"Mag-aral ka, gawin mo ang mga responsilidad mo bilang estudyante. 'Yun lang" Kibit balikat kung sagot
I know na nagtatampo na naman ang isang 'to. Wala na akong magagawa diyan sinasabihan ko lang naman siya para ma inspire at makatulong na din sa kanya. Ayoko na kasing magpakopya ng mga sagot at assignments, palagi na lang siyang lamang when it comes to scores....
Alas nuwebe ng umaga, recess time 'yun at siksikan na naman ang mga estudyante sa canteen. Kanina pa nagrereklamo ang mga alaga ko sa tiyan dahil kanina pa ako nakapila at mukhang mamaya pa ako makakapili ng gusto kong kainin dahil nasa panghulihan ako ng hanay
Napalingon naman ang lalaki na nasa unahan ko at tiningnan ako ng ilang segundo. At dahil sa mas matangkad siya sa'kin para akong bata na nakatingala sa kanya
At naturang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko ng ngumiti ito sa'kin
"Palit tayo ng pwesto ikaw na lang dito nagugutom ka na kasi—" Tugon nito at pumwesto na sa likuran koHindi ko magawang umangal ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko at bahagyang itinulak para magkapalit kami ng pwesto
O—kay siya na ang mabait at I can't say thank you to him nahihiya ako eh. Cat got my tongue? What now? Ngayon pa talaga ako nahiya simpleng thank you hindi pa masabi?
"T-thank you—" Mahina kong pagkakasabi at mukhang narinig niya naman 'yun
"Your welcome—" Sagot nito at sumipol sipol paHanggang sa nakaabot na nga ako sa counter ay nandoon pa din ang lalaki sa'king likuran, at inaamin kung nakakailang. Hindi kasi ako sanay na may lalaking nakapuwesto sa likod ko
"Thank you—" Pagpapasalamat ko sa cashier at naghanap ng mauupuan
"Pwedeng maki-upo?" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pamilyar na bosesAt naturang umarko ang aking dalawang kilay ng mapagtantong iyong lalaki na naman kanina ang nakatayo sa aking harapan dala dala ang kanyang food tray
"Pwede—" Simpleng sagot ko at inilapit ang tray sa'kin
"Salamat," Sagot naman nitoPasimple kung tiningnan ang buong canteen at nakita kong madami namang bakanteng mesa. Tapos gusto pang maki-upo
BINABASA MO ANG
The Great Fiction Stories (Completed)
Ngẫu nhiênThis is my first compilation of one shot stories, lahat ng karakter na nasa kwentong nilikha ko ay imahinasyon ko lamang at suhestiyon ng aking mga kaibigan. Ang lugar at ang mga pangyayaring naganap sa bawat kwentong inyong nabasa ay gawa gawa ko l...