"LEAH Netchely, itigil mo na ang pagsusulat. Gusto mo bang masira iyang mga mata mo ha?" Saway sa'kin ni Mama
Kumakamot sa ulong tiningnan ko si Mama sa'king likuran"Ma! Hindi pwede kailangan ko itong tapusin, tambak na nga 'yong mga trabaho ko eh" Sagot ko at ipinagpatuloy ang ginagawa
Narinig kong napabuntong hininga si Mama
"Bahala ka—" Usal nito at lumabas ng aking kwarto
Napairap na lang ako sa hangin at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kahit ilang ulit pa akong sawayin ni Mama still hindi pa rin ako makikinig sa kanya, writing is my passion at walang makakapagpigil sa'kin kung ano man ang gusto kong gawin.Napapikit ako ng mariin at parang mabali ko na aking parker pen dahil sa sobrang higpit kong pagkakahawak.
Iyong pinakaayaw ko talaga sa lahat ay iyong nagugutom ako ng wala sa oras—kasi nawawala lahat ang mga ideya ko
Katulad ngayon, kunting pag-aalburuto lang ng tiyan instant erase lahat. Nakakapagod din kaya ang mag-isip
Pasalampak kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot kong kama. Hay, parang kailan lang baguhan pa ako pero ngayon ang dami ko ng kailangan gawin—yes, I'm a certified writer at naiistress na ako.
Kada minuto ay may tumatawag sa'kin, ino offeran ako at I can't say no to that. Di bale ng mabigat basta malaki ang kapalit di ba?
Napasabunot na lang ako sa aking buhok at padaskol na kinuha ang aking cellphone at sinagot ang walang kapagurang caller
"Hello? This is Leah Netchely Elen, speaking?" Pangunguna ko sa pagod na pagod na boses
"Ms Agatha Underhill, may new assignment akong ipapagawa sa'yo. Siguraduhin mong matatapos mo ito sa isang buwan lang—" Diretsong sabi sa'kin ni Mr Petilo
Na naman!
"Sige, anong klaseng project ba 'yan?" Nakapikit at panay ang hilot sa'king sentido
"I want you to write a story that is full of matured content. Ikaw na ang bahala kung maraming bed scenes sa mga chapters, random lang ang gusto kong genre at sana may series—" Pagpapaliwanag ni Mr Petilo"May series? What if I'll make it in Trilogy, how's that?" Suhestiyon ko
"Hmm, that sounds good. Basta ikaw na ang magdesisyon" Sabay hang upNapapantistikuhang tiningnan ko ang aking cellphone at napatawa na lang ako ng pagak ng makita kong hinang up nga niya
"Anong akala niya sa'kin, robot?"
—
"Lay, gatas mo" Pangdidisturbo sa'kin ni Mama sa gitna ng aking pagtatrabaho
"Thanks Mom—" Tugon ko at hindi man lang siya binalinganIlang segundong natahimik si Mama hanggang sa naramdaman ko na lang na binabasa niya ang aking mga akda
"Hindi ka ba napapagod?" Ungot nito sa'kin
Huminto ako sa pagtitipa sa aking laptop at tiningnan si Mama
"Syempre napapagod, pero kailangan ko po talaga 'tong tapusin ma" Mahihimigan sa aking boses at bakas din sa aking mukha ang pagod"Magpahinga ka kaya muna, halata sa mukha mo na stress ka. Ipagpabukas mo na lang 'yan—" Saad ni Mama at iniligpit ang mga nagkalat kong gamit sa aking study table
Napabuntong hininga na lang ako at ipinaliwanag ulit kay Mama kung bakit ko ito kailangang gawin at bakit kailangan ko itong tapusin
"Ma, sorry ulit pero hindi ko susundin ang gusto mo. Kailangan ko ang perang makukuha ko sa pagsusulat; ayoko na po kasing umasa at kumapit sa inyo malaki na po ako at parang nakakahiya naman kung iaatang ko pa sa balikat niyo ang pambayad ng aking tuition fee sa school—" Malumanay kung pagpapaintindi kay Mama
BINABASA MO ANG
The Great Fiction Stories (Completed)
DiversosThis is my first compilation of one shot stories, lahat ng karakter na nasa kwentong nilikha ko ay imahinasyon ko lamang at suhestiyon ng aking mga kaibigan. Ang lugar at ang mga pangyayaring naganap sa bawat kwentong inyong nabasa ay gawa gawa ko l...