"ITO ang magiging kwarto mo—" Sabay bukas ng may-ari sa kwartong tutuluyan daw ng bagong katulong
Pumasok naman ang katulong dala-dala ang mga bagaheng sobrang bigat na halos hindi na niya mabuhat buhat
"Okay na ba 'to sa'yo?" Medyo may kasungitang tinanong ng amo ang bagong katulong
Tiningnan naman ng bagong katulong ang kanyang magiging amo daw sa buwang ito
"O-okay na po." Nahihiyang tugon naman ng katulong at ibinalik ang mga mata sa parang bodegang kwarto na uukapahan niya
"Mabuti, sige magpahinga ka muna pupuntahan na lang kita dito para mailibot kita sa bahay ko...." Hindi na hinintay ng kanyang amo na makasagot siya
Sinundan naman ng tingin ng bagong katulong ang kanyang may katandaang amo
Nang makalabas na ito sa kanyang kwarto kuno ay inilibot niya ang paningin sa kabuuan nito
Medyo maluwag naman at puno ng sapot ang kisame. Halatang hindi nilinis ng iilang buwan o taon
Napabuntong hininga siya
At nagsimulang linisin ang kwarto niyang magulo
"Hoy, muchacha gising" Tapik ng isang babae sa kanyang pisngi
Naaalimpungutan naman siyang nagising sa uri ng pagkakatapik nito"Ay sorry po, napasarap 'yung tulog ko. Pasensiya na po kayo" Hinging tawad niya sa kanyang amo
Hindi ito sumagot sa halip ay nakapamewang itong tinalikuran siya
"Sumunod ka sa'kin, ililibot na kita sa bahay ko—" Walang ka emosyong emosyon nitong saad at iniwan siyang inaayos pa ang kamang hinigaan
—
"Ito ang kusina namin, maluwag siya—at siguraduhin mong malilinis mo ito sa loob lamang ng tatlong minuto. Naiintindihan mo ba ako?" Maawtoridad nitong tugon sa kanya
"O-opo—" Sagot naman ng bagong katulong at panay ang sunod sa bagong amo
"Ito naman ang sala namin, maluwag din. Lahat ng mga gamit na makikita mo sa ibabaw ng cabinet ay mamahalin at babasagin siguraduhin mong hindi mababasag ang mga iyan, naiintindihan mo ba ako?" Tanong ulit nito
"O-opo—" Muli ay sagot na naman niya
"Sumunod ka sa'kin. Ipapakita ko naman sa'yo ang dalawang kwartong uunahin mo sa paglilinis ngayon—" Bulalas nito at umakyat sa hagdanan
Siya naman ay patuloy pa din sa pagsunod kung saan ito pupunta
"Ito ang kuwarto ko, in the right side nandoon ang banyo. Pakilinisan na lang mamaya ha" Sabi ng kanyang amo
Tiningnan niya ang kwarto nito, sobrang kalat na dinaig pa yata ng nasalantang bagyo. Mga damit na nakalatag sa bintana, sahig at kama—for sure may mga maduduming damit diyan na nahalo
"Tapos mo na bang tingnan ang kwarto ko?" Parang nang-uuyam na saad nito at inismiran siya
"Itong pangalawang kwarto ay silid ng aking dalawang anak na babae, pakisamahan mo na lang sila ng mabuti kasi magaspang ang kanilang mga ugali. Naiintindihan mo ba ako?" May pinalidad sa boses na tinanong siya nito
"O-opo—"
Binuksan ng kanyang amo ang kwarto ng anak nito at bumungad sa kanya ang mga nagkalat na damit, medyas, accessories, at iba pa. Ang burara naman ng mga ito
"Mom, sino siya?" Tanong ng isang may kaputiang babae
"Ah, ito ang bagong katulong natin. Ano nga ulit ang pangalan mo?""Wendy po—"
"Katulong natin si Wendy, h'wag niyong awayin ah baka hindi ito umabot ng isang buwan—" Palatak ng ginang
BINABASA MO ANG
The Great Fiction Stories (Completed)
RandomThis is my first compilation of one shot stories, lahat ng karakter na nasa kwentong nilikha ko ay imahinasyon ko lamang at suhestiyon ng aking mga kaibigan. Ang lugar at ang mga pangyayaring naganap sa bawat kwentong inyong nabasa ay gawa gawa ko l...