"YOU better watch out, you better not cry, you better not pout I'm telling you why. Santa Claus is coming to town" Napatakip na lang sa dalawang tenga si Jessa ng marinig na naman niya ang mga batang namamasko sa labas ng kanilang bahay"Ma! Paalisin mo nga ang mga batang 'yan. Ang ingay ingay!" Sigaw ni Jessa sa kanyang kwarto at dumapa sa kama sabay tinabunan ang ulo ng dalawang unan para hindi marinig ang mga batang patuloy pa din sa pagkanta ng pangkaraniwang inaawit kapag sumapit na ang Septyembre hanggang Desyembre
"Urrgh!" Ungot ni Jessa sa ilalim ng unan at umupo sa pagkakadapa
Alam niyang nandoon na naman sa labas ang Mama niya at nakikinig na naman sa mga pampaskong kantaLahat ng kanilang pamilya ay naa appreciate ang hiwaga ng pasko tanging siya lang ang hindi. Ewan ba niya, basta kapag pasko na ang pag-uusapan ay naiinis siya
"He sees you when you're sleeping
He knows when you're awake
He knows if you've been bad or good
So be good for goodness sake" Rinig na naman niya sa mga batang patuloy pa din sa pagkantaPadabog na tumayo sa pagkakaupo sa kama si Jessa at itinaas ang venetian blinds sa kanyang kwarto saka binuksan ang bintana
"Hoy! Umuwi na kayo. Paulit-ulit na lang kayong bumabalik dito para mamasko—umalis na kayo, alis!" Taboy ni Jessa sa mga bata
"Jessa! H'wag kang bastos?! Hayaan mo ang mga batang kumanta ng mga kantang pamasko!" Sigaw ng Mama niya sa baba at tiningnan siya mula sa taas
Umirap lang siya sa hangin at isinarang muli ang salamin na bintana pagkatapos ay pasalampak na inupo ang sarili sa malambot na kama
"Nakakainis!!" Sigaw niya sa loob ng kanyang kwarto
"Ba't ba kasi may pasko pa?!" Pagmamaktol niya at ihinampas ang dalawang kamay sa kama"Jessa!" Napalingon si Jessa sa kanyang likuran ng pumasok ang Mama niya sa loob ng kanyang kwarto habang masama ang tingin sa kanya
Kunot ang nuong sinundan ng tingin ni Jessa ang kanyang Mama na papalapit sa kanya
"Ba't mo ginawa 'yun ha?" Nakapamewang na tinanong siya nito na nakatayo sa kanyang harapan
Ipinatong naman ni Jessa ang dalawang braso sa kanyang dibdib
"Like duh! Ma, hindi ba kayo nagsasawa na paulit-ulit na lang bumabalik ang mga bata dito para mamasko? Ang boring pakinggan ng mga kanta nila alam mo ba 'yun?" Parang hindi ang kanyang ina ang kanyang kausap
"Ano na bang nangyayari sa'yo Jessa? Hindi ka naman ganyan dati ah?" Napapantistikuhang tanong na naman ng Mama ni Jessa sa kanya
Inirapan niyang muli ang kanyang sariling ina at humiga sa kama habang ang dalawang paa ay nakaapak pa din sa sahig ng kanyang kwarto
"It's really obvious Mom, I hate Christmas." Walang kaemo-emosyon niyang sagot dito
Nang sumapit ang Septyembre ay naging miserable na ang buhay niyaWala na siyang ganang pumasok sa kanilang paaralan dahil puro na lang pasko, pasko, pasko, pasko! Ano bang meron sa pasko na 'yan eh kakain ka lang naman tapos magcecelebrate kasama ang mga pamilya mo
"Hindi talaga kita maintindihan Jessa, sumasakit ang ulo ko dahil sa'yo." Napapailing na tugon ng kanyang ina at lumabas ng kanyang silid habang hinilot hilot ang sentido
"Hindi talaga kita maintindihan Jessa, sumasakit ang ulo ko dahil sa'yo." Panggagaya ni Jessa sa boses ng kanyang ina at nagtalukbong ng kumot
—
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Jessa ng malaman niyang puro pampasko na naman ang pinag-uusapan ng kanyang mga kaklase. Pumasok siya para may mapag-aralan hindi mamasko o 'di kaya ay magtanim ng bulaklak at maghakot ng mga lupang sako sako ang dami
![](https://img.wattpad.com/cover/238733726-288-k172264.jpg)
BINABASA MO ANG
The Great Fiction Stories (Completed)
RandomThis is my first compilation of one shot stories, lahat ng karakter na nasa kwentong nilikha ko ay imahinasyon ko lamang at suhestiyon ng aking mga kaibigan. Ang lugar at ang mga pangyayaring naganap sa bawat kwentong inyong nabasa ay gawa gawa ko l...