WELL I don't wanna live my life, too many sleepless nights—Sa bawat pikit ng aking mga mata sa gabi ay hindi ko maiwasang makita ang mga senaryong ibinaon ko na sa limot. Palagi kong naiisip na bakit ko ba nagawa ang mga bagay na hindi ko dapat ginawa
"Francis, is that you?" Awtomatikong napabalikwas ako sa pagkakahiga ng marinig ko na naman ang boses niya
Ang boses na 'yun—ang boses na kinatatakutan ko"Francis bakit?" Puno ng hinanakit na usal nito na ikinatakip ko sa aking dalawang tenga
"T-tama na." Nauutal kong bulalas at mariing pinikit ang aking mga mata
"Bakit!" Sigaw nito na ikinapitlag ko sa gulat na may dalang takot"Anak, Francis. Bakit ka ba sumisigaw?" Nagmamadaling pumasok si Mama ng marinig niya akong nagsisigaw
" 'Y-yung babae, na-nandito siya—" Natataranta kong tugon na nakatitig sa kawalan"Sinong babae ba ang tinutukoy mo Francis. Hindi kita maintindihan." Salubong ang dalawang kilay na sabi naman ni Mama
Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tinitigan ko lang si Mama na nakatayo sa aking harapan. Ano na ba ang nangyayari sa'kin? Nababaliw na ba ako?
"M-ma, tulungan mo a-ako. N-nandito siya—papatayin niya ako." Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko si Mama
"Matulog ka na. Pagod lang yan, bakit ba palagi mong inaabala sa trabaho ang sarili mo? 'Yan tuloy kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip mo?" Palatak ni Mama at pinatay ang ilaw sa aking kwarto.Bumalik ako sa pagkakahiga
Natatakot ako, na baka sa pagtulog ko ay makita ko na naman siya
* * *
"Anak kumain ka na, lumalamig na iyang pagkain mo?" Sabi ni Mama na ikinatingin ko sa kanya
Nagbaba ako ng tingin sa pagkain at walang ganang tiningnan ito
"Sige na kumain ka na—"Nag-angat ulit ako ng tingin kay Mama at naturang nanlaki ang aking mga mata sa nakita
Iyong babae... Iyong babae na sinasabi ko
"Kain ka na Francis—" Malambing na pagkakasabi nitoHindi ako makagalaw, ni kahit pag galaw ng bibig ay di ko magawa
"Sabi ng kumain ka!" Sigaw nito
Napatayo ako sa biglaan niyang pagsigaw. Napansin kong naging alerto ako, bigla ko na lang pinulot ang bread knife at itinutok ito sa kanya
"H'wag kang lumapit sa'kin?!" Pagbabanta ko at umatrasSa bawat pag-atras ko ay siya namang unti-unting lumalapit sa'kin
"Ano Francis? Natatakot ka ba?" Sabi ng babae sa malamig na boses
"Tumigil ka na,""Pagbabayaran mo ang ginawa mo Francis—"
"Tumahimik ka!"
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa pamilya ko!!""Sinabi ng manahimik ka!" Sinugod ko ang babae at akmang sasaksakin siya ng may biglang umawat sa'kin at itinulak ako
"Kuya Francis! Ano bang ginagawa mo, balak mo bang patayin si Mama?!" Bulyaw ng aking kapatid at inalalayan si Mama na nanginginig sa takotDoon ko lang namalayan na pati si Mama ay muntikan ko ng mapatay
"M-ma, sorry—so-sorry po. Hindi ko po sinasadya" Nilapitan ko si Mama at lumuhod sa harapan niya gusto kong humingi ng tawad"Ano ba Kuya! Baka mas lalong matakot si Mama sa'yo." Pagtataboy sa akin ni Vence
Makalipas ang ilang araw na walang nanggagambala sa'kin ay nakahinga ako ng maluwag hanggang sa dumating na naman ang kinatatakutan ko. Malakas siya—mas nagiging agresibo siya
"Hindi kita mapapatawad Francis, tandaan mo 'yan." Pagpapahiwatig nito na ikinanginig ko naman sa takot
Bakit ayaw niya pa din akong pigilan, nananahimik na ako"Anak—"
"Ma! Nandito na naman siya—ginugulo niya ako" Parang baliw kong sabi at hinawakan si Mama ng sobrang higpit sa dalawang balikat"Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa'yo, magpunta tayo sa psychiatrist na kakilala ko magpatingin ka—baka sakaling matulungan ka niya" Hindi ko napigilan si Mama sa gusto niya napapayag niya ako sa gusto niya nagpunta nga kami sa psychiatrist na kakilala ni Mama
BINABASA MO ANG
The Great Fiction Stories (Completed)
De TodoThis is my first compilation of one shot stories, lahat ng karakter na nasa kwentong nilikha ko ay imahinasyon ko lamang at suhestiyon ng aking mga kaibigan. Ang lugar at ang mga pangyayaring naganap sa bawat kwentong inyong nabasa ay gawa gawa ko l...