THANK YOU FOR WATCHING

2 1 0
                                    


"HI guys! Welcome back to my vlog! It's me Marjelou Pepe Sastrellas at nandito na naman ako para patawanin kayo" Panimula ni Marjelou sa kanyang panlimang vlog

Baguhan siya at gusto niyang maging Social Influencer. At mukhang binigyan siya ng blessing mula sa taas dahil hindi siya naimpluwensiyahan ni katamaran sa araw na ito.

"So ayon nga guys, naisipan kung iprank 'yung Mama ko and ang naisip ko ay! Tada! Ibibigay ko sa kanya itong tatlong itlog. Ang dalawa dito is luto na at ang isa ay hilaw pa. So yeah, sana successful—" Magiliw na sabi niya pa at ipinause ang video

Ang sunod niyang ginawa ay inihanda ang tatlong itlog. Mahilig kasi sa pinakuluang itlog ang Mama niya at alam niyo ba kung paano magbukas ng itlog ang Mama niya? Naturang ihahampas nito sa noo ang itlog bago niya babalatan—at natatatawa siya kapag nakikita niya ang Mama niyang ganoon magbukas ng shell ng itlog

"Yari ka ngayon Ma." Natatawang usal niya at bumaba na sa kanyang kwarto dala dala ang camera

Pigil na pigil ang tawa niya habang pasekretong pinapanood ang Mama niyang nanonood ng T.V, bago siya lumabas ay pinanatili muna niya ang sarili na maging seryoso

"So guys, nandito na tayo. Kita niyo ba 'yung babaeng nakaupo na nanonood ng telebisyon? Siya ang Mama ko—kinakabahan ako sa kung anong kalalabasan nito." Pabulong niyang sabi at bahagyang itinago ang camera sa kanyang gilid

"Ma, pinakuluang itlog po para sa inyo." Sabay lapag ng plato na may tatlong itlog at saucer na may asin
"Ikaw ang nagpakulo nito? Himala ah, hindi ka yata inatake ng katamaran mo..." Bulalas naman ng kanyang ina at kumuha ng isang itlog

At nakagat niya ang pang-ibabang labi na ang hilaw na itlog ang nakuha nito

At tama nga ang hula niya na diretso sa noo na naman ang pagbabalat nito
"Marjelou!!" Gulat na usal nito ng tumulo ang egg yolk mula sa noo patungong mukha nito
"S-sorry Mom, it's a prank!!" Sabay labas ng camera at isinentro ito sa Mama niya

Tawang tawa siya habang pinapanood ang Mama niyang iniiwas ang kamay sa malagkit nitong mukha

"Ang galing ko talaga!" Hindi niya mapigilang mapareact ng pinanood niya ang videong ini upload niya sa kanyang YouTube channel

Napaayos naman ng upo si Marjelou ng may nagchat sa kanya sa Facebook
"Pwede ka bang magvlog about anime movies?" Mensahe sa kanya ng isang hindi niya kilalang netizen

Hindi maiwasang iangat ni Marjelou ang isang kilay

Anime? Ba't ito pa? Pwede namang iba na lang kasi hindi niya hilig ang manood ng mga animated movies kasi nababagot siya

"Anong klaseng anime?" Reply niya dito at hinintay ang ilang segundo bago mabasa ang reply ng netizen

Bigla siyang nakyuryos sa isenend nitong link, at nagulat na lang siya ng makita ang video. It's a corpse party—at hindi niya nagustuhan ang nakikita

At kahit napipilitan siya still, ginawan niya pa din ito ng vlog

"Hi guys, nandito na naman ako—si Marjelou Pepe Sastrellas na gugulo sa buong sistema niyo charr!" Hirit niya at nanood ng anime movies

Para siyang nagpapa watch party dahil nakatutok ang mukha niya sa camera pero nakasentro naman ang atensiyon niya sa palabas at sasabihin niya lang kung anong nangyayari

Pero umabot yata ng isang oras na kakapanood ay hindi pa siya nakakapagbigay komento tungkol sa anime na pinapanood

"Ling, halika nga dito tingnan mo 'tong inupload ni Madame Marjelou. Watching Corpse Party Anime, pero sa hanggang natapos na lang 'yung video ay hindi pa siya nagbibigay ng mga feedback about do'n sa pinapanood niya" Litanya ng isang manonood sa mga daily vlogs ni Marjelou

The Great Fiction Stories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon