Chapter 2
TroubleThird person's point of view
"Si Luke nababaliw na dahil tumatawa siya kanina na mag-isa. Hihiramin ko sana ang cellphone ni Allistair para tumawag sa mental hospital pero mukhang alam niya ang plano ko kaya hindi niya pinahiram. Sinubukan kong hiramin ang cellphone mo Devin pero mukhang nakutuban niya ang plano ko kaya inilayo niya ako agad. Isa lang ang naiisip ko, tusto niya si Luke kaya ayaw niyang mahiwalay siya rito. Di'ba kanina narinig niyo pa ang usapan namin? No'ng sinabi ko na kasama niya si Luke at sinabi na ang sikreto niya ay ligtas sa akin ay pumayag na siya. Devin, Andrew kailangan nating tumawag ng mental hospital sa lalong madaling panahon para kunin si Luke dahil baka makatakas pa siya at kung anong gawin niya sa ibang tahimik lang na namumuhay. Ayaw ko sana itong sabihin sa inyo dahil sinabi ko na ligtas ang sikreto niya pero naaawa na ako sa inyo dahil matagal na nila kayong niloloko." seryosong sabi ni Rain habang seryoso ring nakikinig ang dalawa na kinalaunan ay kinalaglag ng panga nilaSamantalang sa kabilang banda ay napanganga rin si Allistair at Luke sa narinig mula sa earpiece na suot nila na suot din nila Devin at Andrew para may communication sila kung sakali mang may hindi magandang mangyari.
Ilang segundong hinintay ni Rain ang sasabihin nila pero nanatili silang tulala at hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"What... The... Fuck?" hindi makapaniwalang bulong ni Allistair
"Yeah. What the fuck talaga." sang-ayon ni Luke at napatango tango pa.
Nangibabaw ang malakas na tawa ni Devin na ikinairita ng dalawa, sila Luke at Allistair. Napailing nalang si Andrew, inakala niyang seryoso ang sasabihin ng dalaga dahil sa ekspresyon ng mukha at boses nito 'yon pala ay nagkamali siya.
'Halla hindi kaya kasama rin ni Luke si Devin na isa ring baliw?! Alam niya na ang plano ko, paano na 'yan?! Nanganganib sila Allistair at Andrew baka kung anong gawin nila sa mga kaibigan nila!' sa isip isip ni Rain habang nginangatngat ang kuko.
'Tsk. She's crazy I can't believe it. Did she really just asked me to leave to say that nonsense conclusion of hers?' sa isip isip ni Allistair at napangiwi.
'Kakaibang klaseng babae.' sa isip isip ni Luke at bahagyang napailing.
'Hindi pa rin talaga ako makapaniwala hahaha! Si Lucas may gusto kay Luke?! Grabe hahaha! Maasar nga mamaya.' sa isip isip ni Devin at tumawa na naman ng pagkalakas-lakas dahilan para mapatingin ang ibang estudyante sa kaniya at ang iba pa ay kinilig
'I should have trusted my guts that she'll just say some nonsense things.' sa isip isip ni Andrew na talagang nagsisisi dahil nakinig pa siya na kung ano mang sinabi ni Rain.
Bumalik na ang dalawa sa table na hindi pa rin maipinta ang mukha. Inasar naman agad sila ni Devin at nakatanggap siya ng dalawang malupitang masamang tingin mula sa dalawa.
"Tara pasok na tayo sa room, malapit na magstart ang klase." sabi ni Luke at napabuntong hininga ng maalala ang sinabi ni Rain.
Nagsitayuan na silang lima pero si Rain ay dumistansya kay Devin at Luke na pinaghihinalaan niya na ngayong baliw. Kay Andrew siya tumabi at kumapit pa sa braso nito na animoy takot na takot. Napailing nalang si Andrew at hinayaan ang dalaga. Ayaw namang lumapit ni Rain kay Allistair dahil baka magselos si Luke.
"Come here and walk with me, Rain." seryoso at malamig na utos ni Allistair dahilan para lumipad na naman ang isip ni Rain sa kawalan.
'Wahhh ginagamit niya ba ako para pagselosin si Luke? Pero bakit niya naman pagseselosin si Luke? Halla baka nakita niya siyang may ibang lalaking kasama kaya naghihiganti? Tapos aawayin ako ni Luke dahil ang akala niya inaagaw ko ang taong mahal niya? Di'ba 'yan yung kadalasang nangyayari?! Wahhh ayokong madamay sa away nila! Kailangan kong umisip ng palusot!'
YOU ARE READING
The Queen Of Trouble (Season I)
Romance[ COMPLETED ] They are both different. They do not have the same attitude. The world they have is not similar. An innocent girl and stupid girl whose name is Rain will meet a cold hearted and smart person whose name is Allistair. What will happen if...