Chapter 20
Date Part IRain's P.O.V
"Okay na nga kasi ako!" mangiyak ngiyak na sigaw ko kay Allistair.Ang kulit kulit kasi ni Allistair, sabi ng okay na ako eh. Nasa hospital na naman kasi ako tapos gusto ko ng pumasok kaso ayaw niya.
"Tss." singhal niya at hinila ako papasok ng kotse niya.
'Yieee! Papasok na kamiii!'
Sumakay na kami sa kotse niya at pinaandar niya na ito. Ngunit nagtaka ako ng lumagpas siya ng school.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"The event is just preparing for the halloween party. Tapos na ang booth natin. Ayos lang kung hindi tayo pumasok." paliwanag niya.
"Ang layo ng sagot mo sa tanong ko, Allistair." nakangiwing sabi ko.
"Tss. Just shut up and rest." sabi niya kaya nag make face nalang ako bago kinuha ang cellphone niya dahil wala yung cellphone ko.
"Anong password?" tanong ko at kinuha niya naman ang cellphone niya saka binuksan.
Binuksan ko ang camera at nanguha ng litrato naming dalawa. Iba iba ang pose ko sa picture habang iisa lang ang kay Allistair kaya napanguso ako. Natawa naman siya saka ginulo ang buhok ko habang nakatingin pa rin sa daan.
Binaba ko na ang cellphone niya ng magsawa sa kakatingin ng picture. Nagpatugtog nalang ako at sinabayan ito habang patuloy na nagmamaneho si Allistair. May tipid na ngiti ang mga labi nito.
Napatingin ako sa paligid ng bumagal ang takbo ng kotse ni Allistair. Pinark niya sa tabi ang kotse at agad na bumaba na parang nagmamadali.
'Kita mo na?! Kita mo na?! Pagkatapos akong i-cutenap bigla nalang mang-iiwan!'
Pero agad akong napangiti ng pumunta siya sa gilid ko at pagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya akong lumabas at napatingin naman ako sa paligid pagkalabas ko ng kotse niya.
'Wowww!'
Ang ganda ng paligid. May sapa at maraming mga puno. Marami ring makukulay na bulaklak na para talagang alagang-alaga. Malakas at masarap ang simoy ng hangin na humahaplos sa aking balay.
"Ang ganda!" nakangiti at manghang bulong ko habang patuloy ang paglibot ng paningin.
"A special place for a very special person." dinig kong sabi niya sa tabi ko at saka ako inakbayan.
"Sino naman 'yon, Allistair?" tanong ko at tumingala. Napangiti ako ng makita ang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid. Nang hindi siya sumagot ay tumingin ako sa kaniya at nakitang nakabusangot ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.
"Don't ruin the moment because of your stupidness, stupid girl." inis na sabi niya bago ako inalalayan maglakad.
'Mukha ba akong pilay para kailangan pang alalayan? Nalason lang ako hindi napilay, uy! Si Allistair mas stupid, hmp!'
Inalalayan niya ako paupo sa nakalatag na blanket. Kumislap ang mga mata ko ng makita ang nasa harap namin.
Pagkainnn...
Inayos niya na ang mga pagkain at kumuha ng isang plato. Nilagyan niya 'yon ng spaghetti at fries saka niya binigay 'yon sa'kin.
"Eat." nakangiting sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/238615502-288-k5297.jpg)
YOU ARE READING
The Queen Of Trouble (Season I)
Romance[ COMPLETED ] They are both different. They do not have the same attitude. The world they have is not similar. An innocent girl and stupid girl whose name is Rain will meet a cold hearted and smart person whose name is Allistair. What will happen if...