Chapter 45 (Unique celebration)

830 56 15
                                    

Chapter 45
Unique celebration

Rain's P.O.V
Ngumiti kami.

"Simulan na natin?"

Namutla naman si Devin na ikinataka ko.

"Teka! Teka! Nagbibiro lang naman ako!" nanlalaki ang mga matang sigaw niya.

'Eh? Sa'n do'n? Ang dami niya kayang sinabi.'

Hinayaan ko nalang na sila Melissa, Rain at Arra ang lumapit kay Devin. Panigurado namang hindi siya makakatakas sa tatlo.

Hinanda ko nalang ang nga make up na gagamitin namin. Actually, eto ang balak namin sa mga lalaki.

Ang mga regalo namin ay puro mga pambabae. Kami namang mga babae ay magbibihis lalaki. Ganyan ang plano nila. Sila lang ah? Dinamay lang nila ang cute at inosenteng si ako.

"Mi-make-up-an ka namin, tanga!" nagising ang diwa ko sa sigaw ni Melissa.

Napatingin naman ako sa kanila para tignan ang sitwasyon nila.

"Yun lang naman pala! Kaloka ka, 'te! Akala ko tototohanin niyo na ang sinabi kong biro lang naman kasi. Make-up-an niyo na pala ako para naman mapanganga ang Papa Liam sa beauty ko." bakla ang tonong sabi ni Devin at dali daling umupo sa upuan sa harap ng salamin.

Nilagyan namin siya ng mga kolerete sa mukha. Malapit na sana kaming matapos ng may biglang kumatok.

"Nandito na si Hannah." dinig ko ang boses ni Ian at ang mga yapak niya papalayo.

Pinapasok ko naman si Hannah at agad kaming nagbatian. Alam na rin niya ang plano.

Sabi kasi ni Prince ko ay kilala ko raw si Ian at sabi naman ni Ian ay kilala ko rin daw si Hannah. May amnesia naman ako kaya kahit mahirap paniwalaan ay pinakisamahan ko na rin. Malay mo totoo at bakit naman sila magsisinungaling di'ba? Mukha naman silang may mga pera kaya hindi pera ang habol nila sa'kin.

Natapos na naming make-up-an si Devin at tuwang tuwa siya sa kinalabasan kahit na hindi bagay sa kaniya. Puro muscles kasi ang katawan niya kaya ang laswa tignan..

'Kung kay Allistair walo ang abs... Ilan kaya ang kaniya? Hihihi!'

"Devin, dito ka muna ha?" nakangiting tanong ko at tumango naman siya ng maraming beses habang tinitignan pa rin ang sarili. Rumampa rampa pa siya at ng mapagod dahil nakailang tumba sa suot na high heels ay nagpahinga na muna siya.

"Tara na!" nakangiti at excited na yaya ko.

Bumaba na kami at nanlaki ang mga mata namin sa gulat ng bigla kaming sinalubong nila Allistair, Luke, Andrew at Kuyang Panay Tawa habang sinisipat kami.

"Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Luke kay Arra.

"Anong ginawa niyo?" rinig kong tanong ni Nathaniel kay Rain.

"Where's Devin?" rinig kong tanong ni Andrew.

"What did he did to you?" tanong naman ni Allistair sa'kin.

"Eh? Si Devin nando'n sa taas. Pagod na pagod kas-"

"WHAT?!" sabay sabay na sigaw nilang apat na pinutol na ang dapat kong sabihin.

The Queen Of Trouble (Season I)Where stories live. Discover now