Chapter 30
CampingThird Person's P.O.V
"GUMISING NA KAYO! PUSANG GALA ALAS KWATRO NA!"Isang sigaw na nagpagising sa lahat.
Nang mag sink in sa kanila ang sigaw ni Devin ay agad silang bumangon at kumilos. Pinatupi nalang nila sa mga katulong ang higaan at dali daling tumakbo sa mga banyo upang maligo.
Naligo sila at agad na nagbihis. Saktong 4:25 ng matapos na ang lahat. Sumakay na sila sa kotse nila at pinaandar ito papuntang academy. Sobrang bilis ng pagpapatakbo nila na parang wala ng bukas. Saktong 4:32 nang makarating sila sa academy.
Pumunta sila sa section nila at napansing malapit ng umalis ang bus nila. Ang mahuli kasi ay maiiwan o sila nalang ang bahala kung paano sila makakapunta roon. Dahil tinatamad silang mag maneho ng ilang oras ay kumilos sila ng mabilis upang hindi maiwan.
"Oh? Akala ko maiiwan na kayo eh." nakangiting sabi ng lecturer nila at pinasakay na sila sa bus.
Naupo sila sa dulo ng bus.
Ang last row ay sila Allistair, Rain, Kyon, Devin at Liam.
Ang second to the last row ay sila Arra at Luke.
Ang third to the last row ay sila Andrew at Melissa.
Ang fourth to the last row ay sila Rain at Nathaniel.
Umandar na ang bus. Ang iba sa mga kaklase nila ay natulog, ang iba naman ay nag soundtrip, ang iba naman ay nag picture at iba pa. Sila Melissa, Audain at Arra ay natulog at wala sa sariling sumandal sa mga katabi. Si Andrew at Luke naman ay inakbayan ang mga girlfriend nila. Si Audrain naman ay sa bintana nakasandal pero ng makatulog ay inalalayan ni Nathaniel ang ulo niya at pinatong sa balikat niya bago siya nag cellphone.
Natulog din sila Allistair, Kyon at Liam. Si Devin at Rain naman ay nanatiling gising at nagkayayaang maglaro dahil wala silang magawa.
Nag bato bato pick sila. Si Rain ay gunting at si Devin naman ay bato. Hinawakan ni Devin ang kamay ni Rain at hinampas ang likod ng kamay niya. Mahina lang naman dahil ayaw niyang saktan si Rain.
Nag bato bato pick ulit sila. Papel si Rain at gunting naman ang kay Devin. Napanguso nalang si Rain at binigay ang kamay niya kay Devin. Hinampas naman ni Devin ang kamay niya at katulad ng kanina ay mahina lang 'yon.
Nag bato bato pick muli sila. Papel si Devin at bato naman ang kay Rain. Napanguso si Rain ng ibigay niya ang kamay kay Devin na hinampas ito ng mahina.
'Dinadaya niya siguro ako. Hmp!' sa isip isip ni Rain.
Huminto muna ang bus para makapag banyo ang iba at makakain naman ang iba. Nagising ang lahat ng estudyante at agad bumaba ang iba para manguha ng litrato, magbanyo at bumili. Ang iba naman ay nanatili sa bus.
Nagising ang mga magkakaibigan at kumuha ng mga junk foods sa dala dala nilang bag.
Nang subuan ni Rain si Allistair ay saka niya napansin ang kamay nitong namumula.
"Why is it red?" salubong ang kilay na tanong niya kay Rain.
"Hehehe." ang tanging nasabi ni Rain at sinubukang bawiin ang kamay pero hindi 'yon binitawan ni Allistair. Tinignan niya ng masama si Rain.
"Answer me." mariing sabi niya kaya napanguso nalang si Rain.
"Naghampasan sila ni Devin." sagot ni Nathaniel at tumawa.
YOU ARE READING
The Queen Of Trouble (Season I)
Romance[ COMPLETED ] They are both different. They do not have the same attitude. The world they have is not similar. An innocent girl and stupid girl whose name is Rain will meet a cold hearted and smart person whose name is Allistair. What will happen if...