Chapter 49 (Performance)

879 51 16
                                    

Chapter 49
Performance

Third Person's P.O.V
Araw na ng performance ng bawat section.

Naghahanda na ang mga magkakaklase para sa gagawing performance. Sa gymnasium gagawin ang performance at kung sinong may pinakamaraming boto ay siya ang mananalo.

Alas syete palang ng umaga pero marami ng tao sa gymnasium. Marami ring mga booths sa paligid na pwede nilang pagbilhan o kaya paglibangan.

7:30 pa magsisimula ang palabas pero kahit ganoon ay kalmadong naghihintay ang mga estudyante. Mga takot mawalan ng pwesto kaya maagang pumunta.

Samantalang sa room nila Rain ay pinipisil ni Rain ang mga pisngi nila Melissa at Arra na kapwa nakabusangot.

"I hate you, Rain." inis na sabi ni Melissa.

"Hindi kita bati" inis ding sabi ni Arra.

"Hihihi!" napahagikgik si Rain sa pagtatampururot ng dalawang kaibigan.

"I hate my role." inis na sabi ni Allistair.

"Ano pa 'ko?" napabuntong hiningang sabi ni Liam at nagtawanan naman sila.

"Ang sama mo, Papa Liam. Hmp!" nakangusong sabi ni Devin.

"Matagal pa naman tayo kaya tara selfie!" sigaw ng classmate nila habang hawak hawak monopod.

"One! Two! Three! Say cheese!" nakangiting sigaw ni Kyon.

"Cheeseee!" sigaw nilang lahat ng sabay.

"Oh, wacky naman!" sigaw ni Nathaniel.

Nag post naman sila at nag click ang camera.

"Yeyyy!" masayang sigaw nila.

***

"Class, you're next. Get ready." nakangiting sabi ng adviser nila.

"Woohh! Eto na talaga!" kinakabahang sabi ni Audrian na winagayway pa ang mga nanlalamig na kamay dahil sa kaba.

"This is it!" excited na sabi ni Arra.

Nilahad ni Rain ang nakatalikod na kamay. Napangiti naman sila at pinatong isa isa ang mga kamay bago isinigaw ang isa pang itinuro ni Rain.

"Manalo matalo, cute pa rin tayo! Mapunta man sa rank o hindi, 'di pa rin siya pinili! Kung manalo edi happy, kung matalo edi saddy! Ayos lang 'yan! Laban lang ng laban kahit 'di pinaglaban! Section A, labannn!" pakantang sigaw nila at ng matapos ang kanta ay sabay sabay nilang itinaas ang kamay.

"Hoy! Hindi pag nagsisimula may amoy putok na!" pabirong sigaw ni Luke.

"Baka ikaw 'yon!" sigaw ni Devin.

"Hahaha!"

***

Mas maraming tao ngayon kaysa kanina dahil sa gusto nilang mapanood ang sikat na grupo, ang grupo nila Allistair. Hinawi na ang pulang kurtina senyales na mag-uumpisa na ang palabas.

"Kyahhh!"

"Oh my gosh!"

Agad naman silang pinatahimik dahil bawal ang mag-ingay. Ang mag-ingay ay palalabasin.

The Queen Of Trouble (Season I)Where stories live. Discover now