Chapter 9
KissSomeone's P.O.V
"Tingin mo nakatunog siya sa plano?" tanong niya habang naninigarilyo.Nagkibit balikat lang ako.
'Masyado siyang matalino. Hindi na ako magugulat kung makatunog siya sa plano namin. Ngunit kung nakatunog siya... Anong gagawin niya or let me just asked kung ano na ang ginagawa niya? Pipigilan niya ba o makikisakay siya?'
Napabuntong hininga nalang ako at napailing.
"Hindi pa ba tayo babalik?" tanong ko at nanguha na rin ng sigarilyo at sinindihan ito.
"Hindi pa. Hayaan muna natin sila." sagot niya.
"Boss, hindi kaya mapahamak siya?" tanong ng isa sa mga tauhan namin.
"Hindi 'yan." kompyansang sabi niya at pagkatapos ay ngumisi kaya napabuntong hininga nalang muli ako.
'Ang isang walang ka muang muang na tao ay nadamay sa aming mundo. Ang isang batang dapat ay nagpapakasaya kung gaano kaganda ang mundong ibabaw ay heto ngayon... Nasasali sa isang gulong hindi naman dapat siya naroon.'
'Pero ano mang mangyari poprotektahan ko siya. Ang dapat sa kaniya'y pinoprotektahan at minamahal hindi sinasaktan lang at paglalaruan.'
Napatingin ako sa kaniya. Ang taong nagplano ng lahat. Ang taong may dahilan kung bakit siya nasangkot.
'I'll protect her no matter what. I'll protect her even if it cost my life. I'll protect her even if against you. Sorry but I'm still choosing her over our group.'
Rain's P.O.V
'Hay may pasok na naman.'Bumangon na ako at dumeretso sa banyo. Ginawa ko na ang morning routine ko.
Nang tapos na akong maligo, magbihis, kumain, mag toothbrush, titigan at pagsabihan ang mga Stich ko na huwag aalis at huwag magulo ay kinuha ko na ang bag ko na Stich at saka lumabas ng bahay. Ni lock ko na ang pinto at dumeretso sa garahe at kinuha ang bike ko na Stich ang disenyo at sinakyan ito. Nagsimula na akong mag pidal papuntang school dahil malapit lang naman ito.
"La, la, la, la, la, la~" pagkanta ko habang nagpipidal.
Buti nalang at hindi masyadong mainit. Nakarating ako sa school at pinark ko na ang bike ko. Bumaba na ako at nagsimulang maglakad habang patalon talon pa.
Nakarating ako sa classroom at agad umupo sa upuan ko. Nando'n na si Allistair. Sayang dahil hindi ko kaklase sila Kuyang Holdaper, Devin, Luke at Andrew.
"Hi, Allistair!" bati ko at kumaway pa.
Tinanguan niya lang ako kaya napa tabingi ang ulo ko.
'Nagtanong ba ako? Hindi naman di'ba? Bakit siya tumango? Kyahhh hindi kaya may naririnig siya na hindi ko naririnig?! Omooo may mumu?!'
Nanlaki ang mata ko. Titili na sana ako dahil may mumu ng biglang pumasok ang lecturer na room. Napahawak nalang ako ng mahigpit sa braso ni Allistair. Tinignan niya naman ako ng masama pero nagpatay malisya ako. Bahala siya dyan.
"Okay, class, we have a transferee. Mr. Zircon come in and introduce yourself." sabi ng lecturer at pumasok ang isang pamilyar na lalaki
"Kyahhh Kuyang Panay Tawa?!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw ko kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Natawa naman si Kuyang Panay Tawa at kumaway sa akin kasabay ng pagtilian ng mga kaklase ko. Napatakip naman ako ng tenga.
YOU ARE READING
The Queen Of Trouble (Season I)
Romance[ COMPLETED ] They are both different. They do not have the same attitude. The world they have is not similar. An innocent girl and stupid girl whose name is Rain will meet a cold hearted and smart person whose name is Allistair. What will happen if...