Chapter 25 (Can you be...)

1K 73 28
                                    

Chapter 25
Can you be...

Third Person's P.O.V
Napangisi si Audrain ng may maisip na plano. Agad siyang tumakbo papunta kung nasaan ang mga lalaki at kasunod niya naman sila Melissa na patuloy na hinahabol siya.

Bigla siyang nagtago sa likod ni Andrew kasabay ng pagbuhos ni Melissa ng tubig sa hawak na timba na para sana kay Audrain. Napapikit si Andrew kasabay ng pagpatak ng tubig pababa sa katawan niya. Napatakip naman ng bibig si Melissa at nabitawan ang timba.

"Wahhh! Andrew, sorry!" agad na sigaw nito at nilapitan si Andrew na napabuntong hininga nalang saka napailing.

Napatawa si Audrain at agad nagtago kay Luke kasabay ng pagbuhos ni Arra na para sana sa kaniya. Katulad ni Andrew ay napapikit din si Luke.

"Wahhh! Luke, ang tanga mo naman kasi eh! Bakit ka humarang?!" sigaw ni Arra at nilapitan si Luke.

"Ako pa?! Ako pa talaga ang may kasalanan?!" hindi makapaniwalang tanong ni Luke at nakanguso namang tumango si Arra.

Agad umiwas si Audrain ng akmang ibubuhos na ni Rain ang tubig, pero dahil tanga siya ay napatid siya at sa kaniya nabuhos ang tubig. Tumama pa sa ulo niya ang timba.

"Wahhh!" mangiyak ngiyak na sigaw ni Rain at napanguso.

Napapailing siyang nilapitan ni Allistair at saka binuhat patayo. Pero hindi bumitaw si Rain bagkus ay pinulupot niya pa ang binti sa bewang ni Allistair at niyakap ang batok nito.

"Yun oh!" mapang-asar ang tonong sigaw ni Devin kaya napailing nalang si Allistair.

"I'll just take her to her room." paalam ni Allistair at naglakad na habang bitbit ang batang si Rain na nakasabit sa kaniya.

"Agang honeymoon ah!" sigaw ni Devin at humalakhak.

"Ninong ako ah!" sigaw din ni Luke.

"Pft, ang cute nila." nakangiting sabi ni Arra.

"Indeed." pagsang-ayon ni Melissa na tumango pa.

Punta tayo kila Allistair.

Pumasok si Allistair sa cottage nila at nanguha ng damit ni Rain. Pagkatapos ay dumiretso sila sa bathroom at binaba ni Allistair si Rain sa tapat ng banyo.

"Change your clothes." nakangiti at malumanay na sabi ni Allistair kaya napanguso si Rain bago kinuha ang damit kay Allistair saka pumasok sa banyo.

Lumabas agad si Rain at nagpabakay kay Allistair. Napailing nalang si Allistair at saka siya binakay.

Nagpunta ulit si Allistair sa cottage nila at hiniga si Rain sa kama.

Humiga naman si Rain at agad niyakap ang unan saka pumikit. Kinumutan naman siya ni Allistair.

"What happened to you? Mood swings?" nakangiting tanong ni Allistair habang hinahaplos ang buhok niya.

Tumango nalang si Rain kahit hindi niya naintindihan ang sinabi ni Allistair at saka nagmulat at tumingin sa kaniya. Muli niyang nakita ang kilay kayumanggi niyang mga mata.

"Kantahan mo 'ko." nakangusong sabi niya sa kaniya.

"No way." agad na angal ni Allistair.

"Hmp!" sabi ni Rain at tumayo.

"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Allistair sa kaniya.

"Pupuntahan ko si Kuyang Holdaper. Sa kaniya nalang ako magpapakanta!" nagtatampong sabi niya.

Pero bago pa siya makalabas ay agad siyang hinila ni Allistair kaya napaupo siya sa hita niya. Agad naman siyang niyakap ni Allistair at pinatong ang baba niya sa balikat ni Rain para hindi na makawala.

The Queen Of Trouble (Season I)Where stories live. Discover now