Chapter 51 (Big revelation)

1K 67 24
                                    

Chapter 51
Big revelation

Rain's P.O.V
Biglang nalang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Caleb. Galit at seryoso ang mukha niya na siyang ikinataka ko.

Bigla niya akong hinila palayo kay Allistair saka sinapak si Allistair.

"Caleb!" sigaw ko sa gulat at agad kaming umawat sa dalawa.

"Ano bang problema mo?!" galit na tanong ni Allistair habang nagpupumiglas sa hawak nila Andrew, Devin at Luke na nawala yata ang kalasingan.

"Kayo! Kayo ang problema ko! Anong karapatan niyong lokohin at gamitin ang inosenteng si Rain, ha?!" namumula sa galit na sigaw ni Caleb na nagpatigil sa'kin sa pag-awat sa kaniya.

"Sino... Sinong Rain?" naguguluhang tanong ko.

Napatingin naman sa'kin si Caleb na may nag-aalalang mga mata. Bigla niya akong niyakap at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Don't touch her!" dinig kong sigaw ni Allistair at pilit na nagpumiglas sa mga nakahawak sa kaniya.

"Te-Teka... Ako ba?" nanghihinang tanong ko.

'Anong nangyayari? Ano na naman 'to? Hindi ko na yata kakayanin kung problema na naman 'to.'

Kumalas ako sa yakap niya at tinignan siya ng may naguguluhang mukha.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan at desperadang tanong ko.

Ilang segundo pa ang nakalipas ng hindi siya makasagot.

[Kindly play, Why do boys lie by Alicia Moffet before reading. Thank you!]

"Let me be the one to explain it." sabi ni Allistair kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangisi siya, bagay na mas lalong ikinataka ko dahil hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kaniya.

"We're in a you can call it gangster world or organization. But in a different level. We earn money by fighting. We earn money by receiving a mission. A group against a group. A mission per group. The higher rank you are, the more money you earn." panimula ni Allistair habang nakatingin sa'kin.

"We used to deceive people. We used them to make ourselves stay in our ranks or maybe get our ranks higher." paliwanag ni Allistair.

"Your brother, Blain, and your bestfriend, Liam, planned to use you to be our weakness." sabi ni Allistair na ikinawasak ng puso ko.

"Hindi 'yan totoo! Nagsisinungaling ka lang! Hindi nila magagawa sa'kin 'yan! Hindi nila ako ipagpapalit sa pesteng rank at pera na 'yan!" galit na sigaw ko habang umiiyak.

'Ayokong tanggapin... Mahirap tanggapin... Ayoko! Ayoko! Ayoko! Hindi nila magagawa sa'kin 'yon! Mahal nila ako!'

"It's true, Rain." nakangising sabi niya.

"Their plan is to transfer you in our school so that you and us will be friends. And after that, they'll going to hurt you so our attention will be on yours and not on the battle so we will lose and our rank will go down and theirs will be the same or higher." nakangisi pa ring sabi ni Allistair.

"Hindi magagawa ni Prince ko at ng kuya ko 'yan!" patuloy na sigaw ko habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.

"Well, why don't you ask your 'Prince ko'?" nakangisi at sarkastikong tanong niya na parang nang-aasar.

Napatingin naman ako kay Prince ko na napayuko nalang. Parang ilang ulit sinaksak ang puso ko sa inakto niya.

"Pri-Prince ko... Sabihin mong hindi 'yon totoo! Please, Prince ko! Hindi mo magagawa sa'kin 'yon di'ba?! Mas mahal mo 'ko kaysa sa rank na 'yon di'ba?! Di'ba?!" umaasang sigaw ko habang inaalog alog ang mga balikat niya.

The Queen Of Trouble (Season I)Where stories live. Discover now