Chapter 31 (Maling akala)

1K 77 20
                                    

Chapter 31
Maling akala

Rain's P.O.V
"Wahhh! Tayo ang nanalo! Yeyyy!" masayang sigaw ko at nakipag-apir sa kanila.

Halos mahimatay na ako sa kaba sa paghihintay sa kanila dahil halos kumpleto na ang iba ngunit buti nalang ay nagawang makarating dito ng iba bago pa makumpleto ang ibang grupo kaya kami ang nanalo.

Pinagpahinga na rin kami pagkatapos ng activity. Nandito kami sa pwesto namin ngayon. Kami ang nasa bandang likuran. Sa kanluran at silangan ang dalawang grupo at sa harap naman ang tent ng mga lecturers. Sa gitna naman kami lahat nagkikita at doon din kami kumakain. Malaki rin ang mga space namin. Pinag-uusapan namin ngayon kung sino sino ang magkakasama sa loob ng tent.

"I'll just be with Melissa, Arra and Rain." sabi ni Rain at tumango naman ako bilang pag sang-ayon.

Napag-usapan kasi naming huwag ng gamitin ang tent na iba para mas maluwag ang space.

"They can be together nalang." mataray ding sabi ni Devin na ang tinutukoy ay sila Lei, Chloe at Klei. Sumang-ayon naman si Rain sa suhestiyon niya.

"I'll be with my group." sabi ni Allistair na ang tinutukoy ay sila Devin, Luke at Andrew. Tumango naman sila.

"Kami nalang ang sa iisa pang tent." nakangiting sabi ni Kuyang Panay Tawa na ang tinutukoy ay sila Kuyang Holdaper, Prince ko at Van.

Sa first tent ay ako, si Rain, si Melissa at Arra.

Sa pangalawang tent ay sila Chloe, Klei at Lei.

Sa pangatlong tent ay sila Allistair, Andrew, Devin at Luke.

Sa pang-apat ay sila Kuyang Panay Tawa, Kuyang Holdaper, Prince ko at Van.

Inayos na namin ang mga gamit namin. Ipinasok ang dapat ipinasok at inilabas ang dapat ilabas. Ito naman ang sinabi ng lecturer, ang ayusin muna ang pwesto namin.

***

6:30 na ng gabi ng muli kaming pumunta sa gitnang parte ng lugar na ito kung saan kami nagkikita. Nakita kong hawak hawak nila ang flags na nakuha namin kanina.

Nagsimula muna kaming kumain at pagkatapos ay nagligpit naman ang mga lalaki dahil kaming mga babae ang nagligpit kanina. Pagkatapos ay pumila na kami para nakaayos ang lahat.

"Okay, so, this night, your activity is to guard this flag. Every guide and lecturers with us will roam tonight to collect the flags that are not being guarded. Each night, the collectors will collect four flags that is not guarded. Since we have eight days here including now we added two flags to be exact. So totally, you have thirty two flags. You should still have your flags until the end of our stay or else, you'll lose." panimula ng lecturer bago nagpatuloy. "You can exchange duties with your members or one or two member can be stay awake until the sun rise. Well, if you like to lose, you can all sleep. Of course, the group who will loose will have a punishment while the group who will win will be having a price. But we will reveal it when the right time comes. So, leaders come here on stage and get your flags."

May parang maliit kasi kami na stage na nasa pinakaharap. Bale nasa harap kami ng tent ng mga lecturers pero may malaking distansya rin naman.

Umakyat si Kuyang Holdaper bilang leader namin. Si Allistair sana kaso ayaw naman niya kaya nag presinta nalang si Kuyang Holdaper at agad naman kaming pumayag.

Kinuha niya na ang thirty two red flags mula sa mga lectures at bumalik sa'min.

"You can now go back to your places. Goodnight." nakangiting sabi ng lecturer at nagsi-alisan naman na kami.

The Queen Of Trouble (Season I)Where stories live. Discover now