Iya"Iya gising na bumangon kana diyan malalate kana sa school mo!" Sigaw ni mama sa akin pero di parin ako bumabangon at nanatili lang akong nakapikit.
"Iya ano ba!" Sigaw niya sa akin sabay yugyug sa akin inis naman akong napaupo sa kama ko saka tumingin Kay mama.
"Pwede bang wag na lang akong mag aral dito na lang ako sa bahay ma!" Reklamo ko sa kanya bigla naman niya akong binatukan kaya napahawak ako sa batok ko.
"Arayyy maa masakit!reklamo ko sa kanya hinila naman niya ako patayo saka itinulak papuntang banyo.
"Maligo kana at pag katapos mong mag bihis bumama kana nakahanda na ang pag kain mo dun maliwanag ba!" Utos niya sa akin saka sinarado yung pinto ng banyo.
"Nakakainis naman!" Asik ko saka na ako nag simulang maligo pag katapos ko agad naman akong nag bihis ng uniform.
"Kumain kana diyan Dalian mo!" Sabi agad ni mama pag kadating ko sa kusina kaya umupo na ako dun saka nag simulang kumain napatingin naman ako Kay tina na masama ang tingin sa akin kaya nag iwas agad ako ng tingin sa kanya.
"Bilisan niyo na diyan at ihahatid kayo ng papa niyo!" Utos ni mama sa amin, Hindi ko na tinapos ang pag kain ko at agad naman akong tumayo.
"Papasok na ko ma!" Sabi ko saka na tumakbo palabas ng bahay narinig ko naman na tinawag ako ni mama pero diko na yun pinansin.huminga lang ako ng malamin saka nag simulang mag lakad malapit lang naman dito ang high school kaya ayus lang sa akin kung lalakarin ko yun.
Actually ayaw ko talagang sumabay kila tina at papa dahil marami silang sinasabi sa akin na Hindi maganda kaya mas mabuti kung mag solo na lang akong papasok.
Pag karating ko sa high school nag tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad pansin ko rin ang mga bulungan at tingin nila sa akin pero diko na yun pinansin lagi naman nila yun ginagawa sanay na nga ako eh.
Ng nakarating na ako sa room medyo nakabukas ang pintuan ng room kaya bigla akong kinabahan nag tatakang binukas ko yun, na sana Hindi ko na lang ginawa.
Bumuhos ang isang timbang pintura at kulay pula ito kumalat ito sa muka ko at sa buong suot ko inalis ko yung pintura sa muka ko at nakita ko ang mga classmate ko na nakahanda ng batuhin ako ng mga hawak nila.
Tatakbo na sana ako palabas pero huli na dahil Hindi pa man ako nakakagalaw eh nag Simula na silang batuhin ako mga bilog na papel, itlog,arena,at kung ano ano pa ang ibinabato nila sa akin rinig na rinig ko rin ang mga tawanan nila.
Ng tumigil sila pag bato sa akin Hindi ko na napagilan ang pag tulo ng mga luha ko nakita ko rin si tina na nakaupo habang na kangisi sa akin.
"Yan ang bagay sayo ampon!" Sigaw sa akin ni yesh,katabi niya si tina at masama ang tingin nito sa akin.
"Oo nga umalis kana nga dito bawal dito ang nga losers na katulad mo!" Sigaw naman nung iba.
"Ano na tatayo at iiyak kana lang ba diyan umalis kana baka pati bangko ibato namin sayo eh" inis naman na sabi Tricia sa akin.
Hindi naman ako makagalaw sa kinakatatayuan ko gusto ko ng tumakbo palayo dito pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.ramdam kung nanginginig ang buong katawan ko dahil sa pang hihina at galit na nararamdam sa kanila.
"Bakit ba kasi kayo ganito sa akin wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah!"umiiyak na reklamo ko sa kanila Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na Hindi mag salita lagi na lang silang ganito sa akin sa pag kakaalam ko naman wala akong ginawa na kahit ano sa kanila kaya bakit?.
YOU ARE READING
the key of truth
Short StoryI will make sure that when you read this you will feel scared,pitty and mostly you will love this story. Iya will fine the true about themselves but before that they have so many question and mystery that it comes to her before she got the key of th...