IyaKinabukasan
Pag kagising ko ng umaga agad naman akong dumeretso sa banyo para maligo pag katapos kung maligo nag bihis na ako ng uniform saka na ako lumabas sa kwarto.
"Oh iya andiyan kana pala sumabay kana Kay Tyler kumain !" Agad na sabi ni mama pag kakita niya sa akin.
Pag kaupo ko sa upuan napatingin naman ako Kay Tyler na seryoso lang na nakatingin sa akin kaya tinignan ko siya ng nag tataka kaya bigla siyang Napa iwas ng tingin sa akin.
"Iya pag katapos mong kumain sumabay kana Kay Tyler pumasok!" Sabi ni mama sabay upo sa tabi ko Hindi ko naman tinapos ang kinakain ko at tumayo na ako agad.
"Ma,papasok na po ako!" Sabi ko pag katayo ko saka nag lakad paaalis.
"Iya sumabay kana Kay Tyler sakto pupunta rin naman siya sa school niyo " pilit sa akin ni mama pero ngumiti naman ako sa kanya saka umiling.
Hindi ako pwedeng sumabay sa kanya siguradong hihintayin ako ni josh, may usapan pa naman kami na sabay kaming papasok ngayun.
"Dina ma, may kasabay po akong pumasok!" Sabi ko.
"Sino ba yang kasabay mo?" Tanung ni Tyler kaya napatingin ako sa kanya.
"Kaibigan ko!" Sabi ko saka nag lakad paalis dun Hindi ko na sila nilingon pa at nag deretderetso na ako palabas ng bahay narinig ko naman na tinawag ako ni mama pero naisarado ko na ang pinto saka na nag lakad palabas ng gate.
"OK so as of now 6:45am you are 15minutes late!" Bigla sabi ni josh kaya gulat naman akong napatingin sa kanya kaya bigla siyang napangiti sa akin.
"Kanina ka paba diyan?" Takang tanung ko.
"Medyo!" Sagot niya nag Simula na kaming mag lakad at gaya kahapon kwento parin siya ng kwento ng mga joke niya sabay mag bibiroan kami kaya tawa lang kami ng tawa hanggang sa makarating na kami sa school.
"Sige kita na lang tayo mamaya!" Masayang sabi niya ngumiti naman ako sabay tango sa kanya, tumalikod na ako sa kanya saka na nag lakad paalis dun.
Ng makarating naman ako sa room agad silang natahimik kaya nag lakad na ako papuntang upuan ko. Napapansin kung lumilingon sa akin yung iba kaya napapatingin ako sa kanila agad naman silang napapaiwas ng tingin sa akin.kaya nanatili na lang akong nakatingin sa unahan hanggang sa pumasok na ang proof namin.
"Good morning class!" Bati ni sir sa amin agad naman kaming bumati ren sa kanya.
"OK so ngayun meron kayung bagong classmate!" Sabi ni sir kaya nag tatakang tumingin kami sa pinto saka pumasok dun si Tyler gulat naman akong napatitig sa kanya classmate ko pala siya.
"Hi I'm Dave Tyler b. Buenavista !" Pakilala niya sa amin.
"Grabe ang gwapo niya!" Rinig kung bulong nung NASA likod ko.
"Oo nga grabe buti na lang dito siya napunta noh!" Kinikilig naman na bulong nung isa
Marami pa akong naririnig na bulungan nila pero nanatili lang akong seryosong nakatitig Kay Tyler ganun den siya sa akin.
"OK so mister Buenavista maaari ka ng umupo !" Sabi ni sir tumango lang si Tyler saka nag lakad.
"Omg sana dito siya umupo sa tabi ko!" Kinikilig na bulong nung nasa kabilang gilid ko.
YOU ARE READING
the key of truth
Short StoryI will make sure that when you read this you will feel scared,pitty and mostly you will love this story. Iya will fine the true about themselves but before that they have so many question and mystery that it comes to her before she got the key of th...