IyaNatapos ang tatlong subject ko ng walang masamang nangyari sa akin.kaya ngayun nag lalakad na ako papunta sa canteen pero bawat estudyanteng madaanan ko umiiwas ng tingin sa akin yung iba naman tuluyan ng lumayo sa akin nag tataka talaga ako sa ng yayari.Ano bang meron bakit ganyan ba sila sa akin may nakakahawang sakit ba ako para iwasan at layuan nila ako.
Hindi na ako tumuloy sa canteen at nag lakad na lang ako papunta sa cr, pag kapasok ko dun napatingin sa akin yung mga babae saka parang takot na lumabas agad dun.
"Really!" Di makapaniwalang sabi ko ano bang trip nila
Pumasok ako sa isang cubicle at agad na sinara yun,lalabas na sana ako ng marinig kung may mga pumasok na babae mga nag tatawanan ito.Pag labas ko dun gulat naman silang napatingin sa akin aakto na sana sila na aalis pero nag salita na agad ako.
"Di niyo na kailangan umalis ,lalabas na rin naman ako!" Walang gana Kong sabi nag hugas lang ako ng kamay saka nag lakad palabas pag kasara ko ng pinto Hindi naman agad ako dun umalis at nanatili lang ako sa labas ng cr.
"Bakit ba kasi kailangan na tin siyang iwasan?" Rinig kung tanung nung babae sa loob.
"Dimo pa ba alam kalat na dito na baliw daw ang babaeng yun"sabi nung isa.
" baliw?,eh muka naman siyang matino kanina ah?"takang tanung naman nung isa.
"Diko rin alam basta sabi nila pag nakita o nakasalubong daw natin yun umiwas na lang tayo mahirap na baka kung ano pang magawa sa atin nun !" Kwento nung babae.
"Eh teka San mo ba nalaman yan?" Tanung nung isang babae.
"Di ko sigurado pero parang narinig ko yung mga class A ang nag kalat nun" sabi nung isa.
Nag lakad na ako paalis dun,kaya pala ganun silang lahat sa akin dahil akala nila baliw ako napangiti naman ako ng mapait ramdam ko rin ang pag tulo ng luha sa mga mata ko.
Class A. Mga classmate ko pa ang nag kalat sigurado akong si Tina nanaman ang may kagagawan nito.
Dumeretso ako sa rooftop Hindi na kasi ako nagugutom kaya dito na lang muna ako mag papahangin.
"Bakit ka nag iisa dito?" Gulat akong napatingin dun sa nag salita.
"Opps sorry nagulat ba kita?" Nakangiting sabi niya.
"Obvious ba?" Sarcastic na sabi ko sa kanya muntik na akong atakihin sa puso dahil sa gulat.
"Sungit ah!" Sabi niya saka tumabi sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanung ko sa kanya.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Balik na tanung niya sa akin kumunot lang ang noo ko sa kanya.
"Ako unang nag tanung !" Sabi ko sa kanya.
"Ako naman yung pangalawa!" Nakangiting sabi niya kaya napailing na lang ako sa kanya.
"Kanina pa kasi kita hinahanap then nakita na lang kita na nag lalakad papunta dito kaya sinundan kita!" Sabi niya kaya tumango ako.
"May problema ba?" Nag aalalang tanung niya kaya napatitig ako sa kanya.
Sasabihin koba sa kanya,wag na lang nga !sabi ko sa isip ko saka umiling sa kanya.
YOU ARE READING
the key of truth
Short StoryI will make sure that when you read this you will feel scared,pitty and mostly you will love this story. Iya will fine the true about themselves but before that they have so many question and mystery that it comes to her before she got the key of th...