Chapter 15

801 11 0
                                    

Chapter 15

JEAN TOVIN

"Kuya, you know what, may girlfriend na si Kuya Alkanes."

Napatingin ako kay Alkynes in no time. Buti naman at nakasalamin na siya as usual. I stared at her and I remembered Dulcis.

"Yup. Maganda 'yong girlfriend niya. Ipapakilala raw niya mamaya."

Pakiramdam ko ay tuluyan nang magbibinata ang Alkanes na iyon pati iyong kambal niyang si Alkenes. "Oh tapos?"

"Wala na... Kuya, nag-aalala ako."

"Para saan? Kanino?" Ako, nag-aalala kay Naked Freak.

"Kasi sa woods..." Sa woods pa lang ay kumabog na ang dibdib ko. What is happened? Parang ako ang ninerbyos!

"Oh a-anong meron?"

"Kagabi kasi eh may nakita silang--" Be optimistic, Tovin. Baka may nakita silang multo o baka may nakita silang werewolf o vampire wag lang "-- bangkay--" but for sure ay bangkay iyon ng illegal logger, mga tao sa likod ng politics o rapist na pinatay ni Naked Freak wag lang "-- ng babae."

Napatayo ako ng wala sa oras. "Alkynes! Don't you dare lie to me!" sigaw ko.

Kumunot ang noo niya saka nag-crossarms. "I'm not lying," casual niyang sabi.

"No!"

Kumabog ng husto ang dibdib ko. Fvck! Ba't ba hindi pa ako nag-overnight sa bahay ni Naked Freak? Paano kung siya iyon?! Shit! Hindi siya 'yon. Imposible...

"Itong kape, Kuya. Pampainit ng umaga," sabi ni Alkenes sa akin na hawak ang dalawang mug. Pampainit ng ulo sabihin mo!

"No!" sigaw ko pa rin. Napapa-paranoid talaga ako.

"Kuya, what's happening?" tanong ni Alkynes na nag-aalala na para sa akin. "Ako rin nag-aalala para kay---"

"Shit!"

"Tovin?" Ngayon naman, si Mommy na ang lumapit at nakisingit sa usapan namin.

"I need to go, Mom," sabi ko. Sasagot na sana siya ng 'hindi' pero yumakap na ako sa kanya at hinalikan ang gilid ng ulo niya. "Please..."

"6 AM in the morning, hijo?"

"Yes, Mom. Please..."

"Okay," aniya. Kumalas ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti.

"Thanks, Mom!"

Nag-drive na ako ng mabilis. Kailangan ko na talagang i-check si Naked Freak. Habang nagmamaneho, nagfaflashback sa akin iyong tampo niya sa akin. Tampo lang kaya o galit na siya? "I'll be there, Dulcis..."

Pinara ni Umber ang sasakyan ko. Ba't ang aga yata nito? Wrong timing pa siya! I'm torn between stopover and not.

"Saan punta mo? Aga ha," husky niyang sabi. Sabog pa talaga ang buhok niya. Sana kahit ganito ang madatnan kong itsura ni Naked Freak.

"Sa bahay niya."

"Nino?--Ayyy! Sige, sige. Urgent? Nabalitaan ko... hala ninenerbyos ako."

"Yes. Tss... mapapatay ko ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya."

"Sige. Goodluck." Pinaharurot ko kaagad sasakyan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang naglalakad na ako papunta sa bahay niya. Halos mangatog na rin ang dalawang binti ko.

"Dulcis!" sigaw ko.

Where is she? Nalimutan pa niyang i-lock ang pinto! Baka naman gising na siya? Sana gising na siya... sana namasyal lang siya diyan. Hindi talaga ako matatahimik! Gusto ko nang pasukin ang bahay niya.

Love In The Woods ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon