Dose

50 2 1
                                    


"Ofiara. Ang alay. Kailangan mong mamatay upang siya ay mabuhay."


Hindi ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Monika. Kailangan ko bang paniwalaan ang mga salitang manggagaling sa kaniya? Baka kasi niloloko lang niya ako para hindi ako tuluyang sumama kay Mopo. Syempre mawawalan siya ng kita kasi malaki daw ang price ko sa Angora. 


"Sinungaling." mahina kong sabi sa kaniya.


"Bakit hindi mo tanungin sa iyong kasamang sirena kung nagsasabi nga ba ako ng katotohanan o naghahabi lamang ng mga salita?" hamon niya sa akin sabay turo kay Dayana na nasa tabi ko.


Nang lingunin ko si Dayana ay tahimik lamang siya pero hindi siya nagsalita. May alam ba talaga siya? Teka, Sirena siya? Wala namang paa ang mga sirena.


"Sirena? Wala naman siyang buntot. Kalokohan mo talaga Monika. Scammer!"


"Maligalig na Faye"


Nakita ko ang gulat sa mukha ni Dayana nang sabihin ni Monika ang salitang Faye. Bakit naman siya magugulat na isa akong Faye? So totoo nga? May alam nga ba siyang talaga?


"Totoo ba yung sinasabi niya, Dayana? Hindi naman iyon totoo diba?" halos may kasamang pagsusumamo ang tanong ko na iyon sa kaniya. Na sana'y sabihin niyang nagsisinungaling lang ang malditang Monika na ito.


"Isa ka ngang, Faye? Ngunit paano? Hindi pinapahintulutan na lumabas ng kanilang lipi ang mga Faye dahil sa pagtitipon-" naputol ang sasabihin nito nang muling magsalita ang maldita.


"Pagtitipon ng pag-aalay. Walang Faye na nakalalabas sapagkat wala na silang pagkakataong makalabas. Dahil sila ay nagiging Ofiara. Mga alay na buhay para sa mga mangkukulam at mga Olimen." may ngiting sabi ni Monika.


"So totoo nga?" tanong ko kay Dayana.


"Totoo na nagiging Ofiara ang mga Faye-"


"-At tama ang aking mga tinuran na sila ay mga nilalang na ginagawa lamang mga alay. Mga diwatang walang halaga ang mga buhay" tumingin sa akin si Monika. "Sasama ka pa ba kay Mopo? Hindi kami lalaban kung ikaw ay sasama sa kanila. Ngunit pakatandaan mong sakaling makarating ka sa Formosa ay hinding hindi ka na makakalabas pa" Binuksan ng baboy ramo na kasama nito ang kulungan at hinila ako palabas.


"Kamahalan" mahinang turan ni Mopo. Kita ko ang panghihina niya sapagkat hindi pa talaga siya totoong malakas. Hindi pa nga nagtatagal noong sinaktan siya ni Monika.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nang nasa harapan na kami ay nakita ko ang sigla sa mga mata ni Mopo ngunit bakit tila hindi ako natuwa sa pinapakita niyang ngiti. Ganito ba talaga ang role ko sa mundong ito? Kung hindi produktong maaaring ibenta, ay Ofiara na nagiging alay? Bakit ba kasi dinala dala ako ng malditang Lea na iyon dito?


Ahhh tama. Upang ibalik sa Formosa. Sa Formosa kung saan gagawin akong alay. Pare-pareho lamang sila ng mga layunin. Walang nagpapahalaga sa buhay ko o sa buhay namin ni tatay sa mundong ito. Kaya ba kinuha niya ako at nilayo sa kanilang lahat? Kung magiging Ofiara ako'y mawawalan na ako ng pagkakataon na maligtas si tatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Formosa Magico: ErisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon