Tres

455 17 1
                                    


Ano ang nililihim sa akin ni tatay? Sino ba talaga ako? Anak ba talaga ako ni tatay? Sino yung kausap niya? Ano ang Formosa?


Maraming tanong ang naglalaro sa isip ko. Mga tanong na gusto ko mang masagot ay natatakot ako. Baka kasi sabihin ni tatay na hindi niya ako tunay na anak, na napulot niya lang ako sa kung saan, na kaya wala akong nanay kasi hindi niya rin iyon kilala.


Oo, aaminin ko na nasusungitan ako kay tatay pero ni minsan naman ay hindi niya ako pinagmalupitan o sinaktan man lang. Sa likod ng pagsusungit na iyon ay ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin bilang anak.


Denial lang talaga siya sa totoo lang!


"Kainis kasi iyong sinabi nung babae. Binigyan ako ng tanong sa isip ko. Imbes na nanay lang ang pinoproblema ko, pati tuloy si tatay napag-iisipan ko na ng iba. Sino kaya siya?"


Nabahala rin ako sa ikinilos ni tatay kanina.


Nang makita kong paalis na ang babae ay dali-dali akong naglakad papunta sa bukana. Kaya lang hindi pa ko nakakalagpas sa harapan ng bahay ay narinig ko na ang malakas na pagtawag sa akin ni tatay.


"Erisa!"


Mabilis ko siyang nilingon. "Po?"


"Kanina ka pa nandiyan?"


"Ahmmm... Kadarating ko lang po?" alangan namang sabihing kong nakikinig ako sa usapan nila nung babaeng kaaalis lang, edi napagalitan pa ako. "Tatay.. Sino po iyong babaeng lumabas ng bahay?"


Nakita ko ang pamumutla sa mukha niya, na para bang nakakita siya ng multo. Hindi ba pwedeng malaman kung sino iyon? O baka naman si nanay iyon? Hindi kaya...


"Nakausap mo ba siya?"


Umiling ako. Nakita kong napabuntong hininga siya bago niya ako sinenyasan na lumapit sa kanya. Akala ko papagalitan niya ako o sisimangutan tulad ng lagi niyang ginagawa. Pero inayos lang niya ang aking bandana kasi medyo magulo na, pagkatapos ay ngumiti siya ng ubod ng tamis.


"Wala anak.. Suki ko lamang iyon na galing sa kabilang bayan" Saka siya pumasok sa loob. "Pumasok ka na at tulungan mo ako sa paggawa ng palaman." pahabol niya pang sabi sa akin. 


Nakapasok na sa loob ng bahay si tatay pero tulala pa rin ako sa ginawa niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nginitian ako tapos may konti pang lambing na kasama.

Formosa Magico: ErisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon