1

53 0 0
                                    

"Alli how are you?"


Bumungad sa akin ang maingay na paligid, halos bumeso sa akin din ang mga taong nakakasalubong ko.


"Alli congrats galing talaga ni James" lumapit sa akin si Mateo para batiin ako, nanalo kasi sila James sa game kaya nag pa beach party ang team nila.


"Sis dadating daw si Tian, balita ko!" sambit ni Hannah, 


"Huh? Tian?" 


"First love mo!" 


Napabuga ako sa iniinom kong juice, baka kasi may nakarinig sa sinabe ni Hannah.


"Hu-- eh paano sila invited? tsaka 2 years ago na yon hindi na big deal sa akin."


"Ah kaya pala napa buga ng juice, ano?"


Iniripan ko lang si Hannah at pumunta sa kotse ni James para kunin ang iba naming gamit sa loob, tumabe ako ng kaunti ng may naaninag akong liwanag ng sasakyan.


Naririnig ko lang ang ingay ng mga lalaking bumbaba mula sa sasakyan pero hindi ang pinag-uusapan nila, dinouble check ko na din ang mga pinto ng kotse baka may mga hindi pa ako nasasara.


"Alli, kamusta?" 


Nagulat ako sa narinig kong pamilyar na boses, agad naman akong tumingin sa direksyon ng mga lalaki. Nakita ko si Kendric na nakangiti sa akin kaya naman agad akong lumapit sa kanya.


"Uy Ken! Okay lang naman, ikaw kamusta? Kay--" putol kong sabi, nang makita ko si Christian na nakatingin sa amin.


"Ah okay lang naman, congrats pala kay James pasabe na lang!" 


Tumango lang ako at nginitian siya, aalis na sana ako nang hawakan ni Tian ang braso ko.


"Kamusta?"


"Okay lang"


Napatigil ang lahat.


"EHEM EHEM!!" pagbabasag ni Caleb sa katahimikan.


"Ahhh una na ako, pasok na lang kayo" pag papaalam ko.


Naririnig ko pa din hiyawan nila kahit medyo malayo na ako sa kanila.


"Ang tagal mo naman sis" 


"Malamang dinouble check ko pa mga pinto eh! Nasaan na si Bry?"


"Ah nandon kasama nila James ata"


Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pag inom ko ng juice.


Halos nagiging wild na din ang mga tao sa beach, yung iba kasi lasing na kaya lalo malakas ang ingay ngayon, nakaupo lang kami ni Hannah sa bench hindi naman kasi kami mahilig sa mga ganitong walwalan gusto lang talaga namin sa mga bahay bahay.

Kung sakaliWhere stories live. Discover now