15

8 0 0
                                    

Simula ata nang bumalik ako ng Manila puro stress ang nararanasan ko dahil sa review na 'to.


"Uuwi ka ba ng Laguna?"


"Hindi sis, baka dito na ako mag pasko at bagong taon busy din kasi tsaka hassle pa babalik din ako agad pag umuwi ako"


"Ay sad, sa amin ka na lang kaya mag bagong taon"


"Gagi huwag na sanay naman ako mag isa sa condo no"


"Drama, siya sige na mamimili pa kami pang noche buena"


"Sure bye ingat"


Hinatid ko si Hannah hanggang pintuan lang, wala ako balak mag handa baka makipag face time na lang ako kala mommy naiintindihan naman nila ako, pag tapos ng bakasyon namin ni Tian sa Laguna halos ilang buwan din kaming walang communication at hindi nagkikita. 


"Mom!"


"Alliana!"


"Bawi na lang po ako next year, sorry"


"I understand baby"


"Tita Merry Christmas" singit ni Sophie


"Merry Christmas Sophie, tita miss you so much"


"Oh ayan na mag 12 a.m na" singit naman ni ate


"MERRY CHRISTMAS ALLI" sabay sabay na bati nila mommy


"Merry Christmas din" naiiyak kong sabi


"Don't cry may next year pa" sambit ni ate


Binababa ko na din ang face time pagkatapos naming mag batian para din makakain sila ng ayos, nagreview lang din ako dahil hindi ako makatulog.


Ganon lang din ginawa ko kinabukasan nag review hindi na ako nakipag sabayan sa mga tao sa mall mahirap din kasi mag hanap ng parking at makakainan ngayon, nagreview na lang din ako maghapon at nanood ng movie


From: Hannah


"Merry Christmas sis"


"Merry Christmas din"


Buti pa si Hannah kasama ngayon si Bryan tagal na din kasi nila halos 5 years na ata mapapa sana all ka na lang talaga sa kanila ni minsan hindi man lang nag cheat si Bry sa kanya.


From: Ken


"Uy babae maligayang pasko"


"Sayo din"


"Thanks haha"

Kung sakaliWhere stories live. Discover now