13

7 0 0
                                    

Nagising ako sa alarm ko, mag alas tres na pala ng madaling araw isang oras lang ata tulog ko o dalawa pero kailangan ko na bumangon dahil kailangan ko umuwi ng Laguna. Nang makalabas ako ng kwarto nakita ko Christian na tulog pa sa sofa kaya naman nilabas ko kumot ko para ilagay sa kanya, naligo na din ako pag ka tapos.


"Claire?"


"Goodmorning"


"Ano oras na?"


"3:30 A.M." sambit ko habang nakatingin sa orasan


"Ang aga mo"


"Uuwi ako Laguna, naghanda din kasi sila tita celebration na din aalis din kasi kami bukas kaya kailangan ko umuwi agad"


"Ah saan kayo pupunta?" 


"Batangas lang, family bonding sagot din ni daddy iyon kasi ang tagal na naming hindi nagagawa mag sama sama uli mag pipinsan"


"AH"


"Kumain ka na, naghanda na din ako ng almusal, mag ayos lang ako sa kwarto"


Pumasok na ako sa kwarto para mag ayos ng gamit at sarili, nagsuot lang ako high waist ripped jeans at v-neck na white t-shirt tinuck ko ang nasa unahan ng t-shirt at ang nasa likod naman ay nakalaylay nag sneakers na lang din ako na puti, nilabas ko na din ang maleta ko sa sala at iba pang gamit.


"Hanggang kailan ka sa Laguna?"


"Baka next month na ako bumalik"


"Tagal din"


"Gusto ko lang siguro mag isip isip, tsaka para pag balik ko maka focus na ako sa review"


"Ah, ingat ka"


"Gusto mo ba sumama?"


"Hu--"


"Hinahanap ka din nila mommy sa akin, ikaw kung gusto mo lang. Tagal mo na din kasi hindi nakakabalik sa Laguna"


"Okay lang ba sayo?"


"Yayakadin ba kita kung hindi"


"Paano iyon wala ako damit?"


"Edi dadaan muna tayo sa bahay niyo" 


Nang matapos na kami kumain kinuha ko na nag susi ng kotse ko para makaalis na kami, siya naman din ay ganon nag conboy na lang kami dahil kotse ko gagamitin namin papuntang Laguna.


"Ingat kayo huh" pag papaalam ni tita sa amin.


Kung sakaliWhere stories live. Discover now