16

6 0 0
                                    

Inayos ko na ang mga gamit ko, binababa na din nila ate ang dalawa kong maleta. Nabenta ko na din ang condo ko. Halos anim na buwan na din ata nang huli kami nagkita ni Tian.


"Teh desidido ka na?"


"Oo eto na nga hindi ba"


Naiiyak si Hannah habang hawak ang kamay ko nang mahigpit.


"Hoy kayong tatlo diyan walang sasabihin?" sambit ko kala Aziel, Ken at Caleb


"Tangina naiiyak ako bahala kayo" inis na sabi ni Caleb kaya pumasok na lang siya sa loob ng  sasakyan, niyapos ko na lang sila para makapag paalam na ako.


"Hindi ka ba talaga mag papaalam kay Tian?" sambit ni Ken


"Hindi na kailangan Ken"


"Pero Alli"


"Ken, pwede naman umalis ng hindi nag papaalam eh, sige na pasok na ako ingat na lang kayo!"


Bumeso na ako kala mommy pati na rin kay Hannah hindi na ako nagpahatid sa loob baka mag iyakan pa. Hindi ko alam kung kailan ako babalik o mag stay na ako for good sa New York tinulungan din kasi ako ng tita ko para makarating doon, siya din ang tumulong sa akin para makahanap trabaho.


Halos 16 hours ang biyahe ko kaya feeling ko pagod na pagod ako kahit nakaupo lang.


"Alli" sambit ni tita nang makita ako


"Tita"


"Kamusta flight mo?"


"Okay naman po"


"Oh mag magpahinga ka muna pagka uwi natin huh, bukas na lang kita ipasiyal" 


"Okay po"


Inayos ko na nag seat belt ko at sumandal na sa upuan ng kotse, tinitingnan ko lang ang daan hindi ko akalain na makakarating pala talaga ako sa NYC, bumuntong hininga ako at hinawakan ang kwintas na bigay ni Tian.


"Keep fighting Alli" bulong ko sa sarili ko, nakarating na din kami sa bahay nila tita siya lang mag isa doon namatay na din kasi asawa niya tapo wala pa sila anak.


"Alli dito kwarto mo, feel at home anak huh! Mag grocery lang ako"


Binababa ko na ang mga gamit ko at inayos agad iyon, kinakabahan ako kasi hindi ko alam magiging buhay ko dito. Pasado naman ako ng board at licensed CPA na ako pero hindi ko naman madadala ang meron ako sa Pinas lagi sa akin sinasabe ni lola iyan kaya kahit anong yaman o posisyon mo sa Pilipinas hindi mo madadala sa ibang bansa kailangan mong mag simula uli. 


Humiga na lang ako at nakatingin sa kisame iniisip kung kamusta na ba si Tian, pinagsabihan ko na din kasi sila Hannah na huwag na ako iupdate kay Tian nag deac din ako ng mga social ko tanging e-mail lang meron ako.


Nagluto na lang si tita ng pasta para sa hapunan namin, kaunti lamg kinain ko wala kasi ako gana siguro nga naninibago lang ako. Pag tapos namin kumain ako na ang nagligpit para makapahinga na din si tita nag ayos na din ako ng sarili dahil maaga pa kami bukas.





Kung sakaliWhere stories live. Discover now