18

6 0 0
                                    

"Oh my gosh Alliana is that you?" salubong sa akin ni ate nang makalabas na ako sa airport


Nag pa gupit din kasi ako ng buhok bago umuwi hanggang balikat at color blonde pink ang buhok ko.


"Oh my gosh! Hindi kita nakilala. Pumuti ka lalo, iba talaga hangin ng New York" pagbibirong sabi ni ate


"Uy ano ba ako lang 'to"


"Yabang"


Tinawanan ko lang si ate at pumasok na sa van, wala sila mommy ngayon kasi nasa business trip daw at mamaya pa ang uwi. 


"Ano na ba plano mo,hanggang kailan ka dito?" pagtatanong ng asawa ni ate


"Ah for good na ako dito"


"NO! Really! Shit!" gulat na sabi ni ate


"Oo nga, surprise!"


"Alam mo gago ka talagang bata ka"


"Hoy may bata" sambit ko habang nakatakip dalawang kamay ko kay Sophie


"Tita Alli you're so beautiful like me" sambit si Sophie habang nilalaro ang buhok ko, pitong taon na din si Sophie ngayon parang dati lang nung iniwan ko siya baby pa siya ngayon big girl na.


"Welcome back po Miss Alli" bati sa akin ni Manang Lolay


Tumango lang ako at nginitian siya.


"Alli ano balak mo ngayon?"


"Siguro ate mag business ako or mag apply ng trabaho, baka bumili din ako bahay sa Manila or Tagaytay o kaya Batangas para may sarili na akong bahay"


"Oh kasiya ba sa ipon mo?"


"Oo naman napag isiipan ko na din naman iyon dati pa"


"O sige basta kapag kailangan mo ng tulong mag sabi ka lang sa amin ng kuya mo huh"


Tumango lang ako kay ate dahil alam ko namang tutulungan at tutulungan ako nilang mag asawa kahit hindi ako humingi ng tulong.


"Ay ate, kailan ko ng bagong sasakyan tutal nabenta niyo na naman kotse ko, tsaka yung pinagbentahan ko din naman ng condo hindi ko masiyadong nagalaw baka doon na lang ako bumawas"


"Sige, kailan mo ba balak tumingin?"


"Baka bukas na, contactin ko na lang si Hannah sa kanya na lang ako papasama"


Umakyat na ako sa kwarto at humiga na sobrang pagod ako ngayon kaya naman hindi na muna ako umalis, nakaidlip din ako.


"Alli"


"Mom"


"Oh you've changed baby"


"Luh nag pa gupit at kulay lang buhok eh"


"Shut up Klara! You're a big girl now"


"Luh mommy"


"Shut up! Let me enjoy this moment" sabay yakap sa akin, nabigla na lang ako sa ginawa ni mommy siguro sobrang miss niya lang ako kaya ganto siya ka emotional.


"So sweetie, how's NYC? Wala ka bang naging boyfriend 25 ka na"


"Dad!"


"I'm just asking"


"Hindi ko minamadali no"


"May sinabe ba akong excited ka"


Iniripan ko lang si daddy.


"Alli, kamusta kayo ni Tian?"


"Mom ilang taon na din yon, tama na!"


"Sayang kayo"



"Hay nako, akyat na uli ako pagod ako sa biyahe. Goodnight"


Umakyat na ako sa kwarto ko at naglinis na din ng katawan halos sobrang ramdam ko yung alikabok sa katawan ko.


"OMG! ALLI!"


"Gulat na gulat ka sis"


"Uy minsan sama mo naman ako sa New York iba pala don eh kapag nahanginan, promise papahangin lang ako tapos uuwi na"


"Gaga ka talaga"


"So ano na balak sis!"


"Gusto ko muna mag tingin ng kotse"


"Goes sige"


Malaki na din pinagbago dito halos wala na din yung ibang building nung nag aaral pa lang ako, madami na ding nadagdag at nabagong commercial building kaso yung traffic ganon pa din lumalala lang.


"Ma'am eto po yung latest ng altis"


Tiningnan ko agad yung kotse, maganda naman siya kulay grey.


"Sige kunin ko na"


Inantay na lang namin ang lalaki para mapirmahan ko na ang mga documents.


"Thank you po, ingat po sa pag drive"


"Thank you din"


Nakuha ko agad ang kotse wala naman hindi ganoong kahirap din mag asikaso ngayon pag bumili ka.


"Oh sis,  una na ako huh kaya mo na iyan"


Tumangoo lang ako at nag drive, umuwi na din ako pag katapos ko mabili ang kotse. Nagpahinga na lang di ako pag kauwi ko. 

Kung sakaliWhere stories live. Discover now