4

11 0 0
                                    

Lunes na naman, nagising ako sa alarm ko at pag tingin ko mag ala singko na pala ng umaga bumangon ako at nag ayos na. 

Nang matapos akong maligo nilagay ko na ang ibang libro ko sa bag, kumain na din ako ng almusal para hindi ako magutom sa klase.

Nag drive na ako papuntang school, at naghanap na ng parking nang makarating ako. Maaga pa naman kaya hindi ganoong kahirap mag hanap.

Pumasok muna ako sa malapit na coffee shop at bumili ng iced coffee.

"Alli" bati sa akin ni Nina

"Nina" sabay beso

Nag paalam na ako dahil baka malate pa ako sa klase ala syete pa lang naman at 7:30 pa start ng klase ko.

"Uy Alli nawala ka sa party bigla" sambit sa akin ni Lyka nang makapasok ako sa room

"Ah may emergenc y kasi, pero bumalik naman ako" 

Umupo na ako sa upuan ko at nag aantay na lang ng prof.

"Uy alam  mo ba nandoon daw si Waren, tapos hulaan mo kung sino kasama niya?" bulong ni Abby kay Mae

Akala siguro nila hindi ko naririnig usapan nila eh nasa likod lang nila ako.

"Ako, ako kasama ni Waren Mae! May problema?"

Nagtinginan lahat ng kaklase ko sa akin na parang gulat na gulat, napatahimik silang dalawa sa narinig nila.

"Sa susunod kasi kung pag uusapan niyo yung tao siguraduhin niyo na wala sa likod niyo"

Nagtahimikan ang lahat ng marinig ang inis kong sabe kala Abby, napayuko na lang din silang dalawa. Buti na lang at dumating na prof.

Halos puro seat work kami ngayon hindi na gaanon nag didiscuss ang prof namin dahil gradutaing na din kami, unti na lang din kasi units namin.

"Okay class send ko na lang sa portal ang assesment niyo. Class dismiss"

Lumabas na ako ng room dahil hindi ko gusto ambiance sa loob, ako ata ang lalabas na cheater ngayon ah.

"Alli can we talk?"

"James ilang beses ko sasabihin wala na tayo pag uusapan"

"Alli last chance"

"Gago"

Umalis na ako at punta na ng parking, gusto ko umiyak pero wala na ako iiyak. Naalala ko sabi sa akin noon ni Waren na okay lang umiyak hindi naman nakakabawas ng pag ka-tao iyon.

Napabuntong hininga na lang talaga ako sa nangyare, ang fucked up. Yumuko ako sa manibela wala akong sa mood pa mag drive. Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko.

[Unknown number is calling] 

Agad ko namang sinagot iyon.

["Tian, Tian sinagot na"]

"Ken?"

[" Alli? Ah sorry lasing si Ken napag tripan lang number mo, btw akin pala tong number. Sige sorry uli"]

Napatingin ako sa cellphone ko at nagtataka kasi alas quatro pa lang ng hapon lasing na agad sila.

Nagdrive na ako, at nag withdraw muna naisipan ko din kasi mag grocery dahil wala ng pagkain halos sa ref.

"2,500 po ma'am"

Agad ko namang inabot sa cashier ang bayad at kinuha ang pinamili ko. Mag ala sais na din ng gabi kaya napag isipan kong sa labas na lang kumain.

Naghanap ako ng malapit na kainan at mura dahil kukulangin na ako sa budget, nang matapos ako napagdesisyunan ko munang mamasyal, window shopping ganon.

"Alli?" 

"Camille?"

"Uy ang laki na ng pinagbago mo Alli?"

"Grabe, isang taon lang tayo hindi nag kita ah"

"Kamusta kayo ni Christian, uy don't tell me kayo na? Stay strong"

"Ah  Camille, walang kami ni Tian"

"Gago ka? first love niyo isa't isa ah"

"Oo nga pero.."

"Tangina Alliana, number one supporter niyo ako"

"Kasi ano?"

"Ano? go on tell me! Nag Japan lang ako ganto na"

"Hindi ko alam eh, basta gumising na lang ako ayoko na"

"Luh! ano 'to movie?"

"Hirap explain Cams, siguro hindi talaga kami eh"

"Amputa! inlove na inlove ka kay Tian before Alli"

"IKR! Kaso wala simula ng nag college kami nag bago lahat"

"Oh I know!"

"So yeah"

"Hay nako, basta if you need me hmu! alam mo naman fb account ko. Gtg sis"

Bumeso na ako kay Camille at nag paalam na din, napag desisyunan ko na ding umuwi na dahil pagod ako, wala naman akong klase bukas pero gusto kong umuwi ng maaga. 

Pagdating ko sa condo agad kong sinalansan ang mga binili ko at naglinis na din ng katawan, nagcheck din ako ng e-mails at sinagutan ang assessment namin sa portal. Nagscroll na lang din ako sa mga social ko after kong gawin yung school works ko.

Matutulog na sana ako ng maka receive ako ng text kay mommy.

["Alliana Claire, ano yung nababalitaan kong wala na kayo ni James"]

Tinitigan ko lang ang message ni mommy, hindi ko alam paano ko siya rereplayan.

"Ah mom, he cheated on me again haha"

["What Klara?"]

Alam kong galit na si mommy kapag tinatagalog na niya ang second name ko, I can hear her voice.

"Yup, Imma sleep na mom nanight"

Nagreply si mommy pero hindi ko na iyon binuksan, feeling ko malalaman na din ni ate yung nangyare sa aming dalawa ni James una pa lang naman ate warned me na already pero matigas ulo ko hindi ako nakinig ayaw din kasi ni ate kay James dahil player, paglalaruan lang daw kasi ng mga player ang mga babae pero sabe ko noon hindi naman lahat. Siguro?



Kung sakaliWhere stories live. Discover now