22

9 0 0
                                    

"ALLI, ALLI" sigaw ni Ken sa pangalan ko


"Oh bakit?"


"May problema"


"Huh"


"Yung bridal car hindi makakarating Alli, tumirik daw"


"Oh tapos?"


"Alli pwede bang kotse mo gamitin tapos ikaw na lang din magdrive?"


"WTF KEN, ABAY NA NGA AKO"


"Alli wala ng oras, sila Hannah nasa simbahan na ako magdrive kay Tian sa simbahan, ikaw na lang pag asa"


"Oo na sige na sige na!"


Bumababa na ako ng hotel at niready ang kotse, agad naman inayos ng wedding organizer ang harapan ng kotse ko nilagyan iyon ng mga bulaklak, sumakay na din si Shai sa loob.


"Uy Alli sorry naabala pa naman ikaw"


"Gagi okay lang kasal niyo naman eh"


"Sorry talaga Alli"


"Shai don't be! eto  na lang, basta promise me huwag mo sasaktan si Tian huh alam ko kung gaano ka niya kamahal. Alagaan mo siya Shai, pangako mo sa akin"


"Oo naman Alli hinding hindi ko sasaktan kaibigan niyo"


Hindi ko namalayan na natulo na pala luha ko.


"Are you crying?"


"Tears of joy, hindi ko akalain na ikakasal na si Tian ngayon tapos ako pa nagdrive sa soon to be bride niya. Alam mo ang swerte mo Shai, sobra"


"Thank you Alli"


"Welcome"


Nakarating na kami sa simabahan, nag start na din ang ceremony naiinggit ako kay Shai dahil nasa kanya na si Christian pero masaya din ako dahil alam kong masaya na si Christian.


"You may now kiss the bride"


Naiyak ako nang marinig ko iyon kay father, hindi ko na lang talaga napigilan ang luha ko unti unti akong dinudurog ng sakit na nararamdaman ko ngayon, pero ang alam ko lang talaga sa oras na 'to nakita na ni Christian yung totoong taong magmamahal sa kanya, msakit man isipin na hindi ako pero alam ko na nasa mga mabuting kamay na ang taong mahal ko.


Nang matapos ang ceremony umuwi na din ako ayoko din magstay ng matagal sa reception parang hindi ko kaya makita silang dalawa.


Back to normal na uli ako, trabaho na uli ang pinagkakaabalahan ko wala na din ako balak bumili ng bahay dahil babalik na ako sa New York for good pagkatapos ng tatlong buwan, gusto ko na lang din samahan si tita doon at kunin na din sila mommy pag nakapag ipon na ako para hindi na sila nag tratrabaho gusto ko na lang paranas sa kanila na ako naman ngayon pagkatapos ng ilang taon na pag hihirap nila sa amin ni ate. 



Kung sakaliWhere stories live. Discover now