11

7 0 0
                                    

"Mom bakit ka naiiyak?" 


"Wala lang gragraduate ka na talaga tapos matutupad mo na mga pangarap mo"


"Luh, wag ka nga hindi pa nga ako ikakasal eh"


"Malay mo naman bukas ikasal ka na" pang  iinis ni ate


"Oh tera na baka malate pa tayo sa ceremony" sambit ni daddy


Nang makarating kami sa school pumila agad ako sa linya ng section namin sinuot ko na din ang toga gown ko ilang minuto na lang kasi mag start na ang graduation.


"Alli?"


Nagulat ako nang tawagin ni James ang pangalan ko.


"James, congrats" bati ko sa kanya


"Congrtas din" sabay abot ni James sa bouquet of flowers


"Para saan 'to?" 


"Wala lang"


Kinuha ko ang bulaklak at bumeso na lang sa kanya, alam ko naman sa sarili ko na wala na talaga siguro napagod na lang akong intindihin siya.


Nag start na ang ceremony at nag marcha na din kami.


"Bachelor Of Science in Accounatncy"


Kinabahan ako nang banggitin na ng emcee ang BSA, limang section ang meron sa accountancy pangalawa ang sa amin letter M pa naman ako so matagal tagal pa akong matatawag. Kumaway ako kala mommy dahil tanaw ko sila kahit malayo nakikita ko na din si ate na pinipicturan ako.


"Alliana Claire Montes, SUMMA CUM LAUDE" 


Naiyak ako nang marinig ko ang sinabi ng emcee hindi ko alam na meron akong latin honor dahil wala naman binabanggit sa akin ang prof ko kahit sa invitation hindi nakalagay siguro nga surprise.


"OKAY ALLI SMILE" sambit ni ate nang maka akyat ako sa stage


Agad naman akong sinalubong ni ate pagka baba ko, hindi ko  na namalayan ang iyak ko kaya niyakap ko agad si ate.


"Uy don't cry!"


"Hindi ko alam 'to ate"


"You made it Alliana. I am proud of you, sila mom and dad din are proud of you"


Ngumiti na lang ako kay ate nang sabihin niya sa akin iyon, alam ko naman kung gaano sila ka proud sa akin at ramdam ko iyon.


Natapos na din ang ceremony, sinalubong ako ni Hannah at Bryan para icongrats.


"May best friend na akong summa ca bilang buhay"    


"Gago"


"Uy proud ako sayo babae ka!'


"Thank you Hannah! love you!"


"Love you sis!"


Nag picture din kami ng iba kong kaibigan halos naka ilang take din kami dahil sinulit na namin yung gabi na iyon, alam naman kasi namin na after neto magiging busy na ang iba.


"Uy Alli chat chat na lang huh? Walang makakalimot!"


"Oo naman"


"Kapag licensed na tayo bonding pa din , okay?"


"Ofcourse, wala magbabago!"


Umuwi na din kami nila mommy sa condo, maaga pa kasi sila aalis bukas ako kasi mga next week pa uuwi Laguna may aasikasuhin pa ako sa school eh.


Nag ayos na din ako sarili nang makarating sa condo, humiga na din ako at nag scroll sa facebook halos ang dami nag tag sa akin ng photos kaya naman nag react agad ako ng heart doon. Nanlaki ang mata ko nang makita kong nag palit si Christian ng  profile picture yung picture naming dalawa ng graduation niya.


"Best graduation gift ever" ang caption ng picture, kaya naman agad akong nag tingin sa mga comment section.


"Christian lang malakas" comment ni Ken


"Oh papainom na iyan" 


"Naol may best graduation gift ever"


"Kung nag cocome back na kasi"


Natuwa ako sa mga comment sa dp niya kaya naman nag react ako doon at nag comment na din.


"Welcome haha"


Binababa ko na ang cellphone ko at nag tingin ng movies sa netflix, sunod sunod ang notification kaya agad kong binuksan iyon


"Oh nag comment na"


"Ayan na nakakaamoy ako ng comeback"


"Okay pasintabi sa broken hearted"


"Teka kinikilig ako, nasaan ba arinola"


Halos puro pang gagago lang ang cinocomment nila Ken sa reply ko natawa na lang ako habang binabasa ang mga iyon.


"Luh sabe na eh first love never dies" 


Natawa ako sa comment ni Hannah para kasing sira, natulog na lang ako dahil maaga pa ako gigising bukas. 


Nagising ako sa alarm ko mag alas quatro pa lang ng umaga, kaya agad naman akong bumangon para maghanda ng breakfast pag tapos ay ginising ko na din sila mommy para makakain na sila.


"Oh Alli alis na kami, mag ingat ka huwag kung sino sino dinadala dito"


"Copy po"


Hinatid ko na sila hanggang baba para naman makapag paalam ako ng ayos, nang maakalis na sila nag linis ako ng condo wala naman ako plano ngayong araw kaya nanood na lang ako ng movie.





Kung sakaliWhere stories live. Discover now