6

10 0 0
                                    

"Okay smile class"


Nagpicture taking na kami, tinapos ko na din ang event para naman wala na lang sila masabi sa akin and also graduating na naman ako this year kaya last event ko na 'to sa school.


"Uy una na ako" pag papaalam ko sa mga classmates ko wala din naman ako masiyadong close kaya hindi na ako nag stay.


Tinext ko na din si Hannah na otw na ako, nag aantay na din daw siya sa may gate kaya nabuhayan ako kasi hindi na ako mag aantay.


Nakarating na ako sa tapat ng gate nila, kaya naman agad ko siyang tinext. 


"Teka sis may inaantay ako bumalik ako loob ng school" reply niya sa akin


Nainis ako kasi mag aantay na naman ako neto pero this time hindi na ako bababa. Nag cellphone lang ako at nag scroll sa social. Nagulat ako nang may kumatok sa bintana ng sasakyan ko. Agad ko namang inalis ang lock para makapasok na si Hannah sa loob.


"Teh, teka may kasama tayo"


"Huh? Classmate mo?"


"Hindi teh, ano kasi--"


Napaltan ng inis ang mukha ko nang makita ko sila Ken, Aziel, Caleb at Tian.


"Tangina Hannah, don't tell me"


"yes teh! partner kasi department namin sa event so ayun sa kanila ako nakisama tutal matagal ko na sila kilala"


"Gago ka ba? paano mag kakasiya yang mga yan sa likod?"


"Palit ka car, ako na bahala sa gas"


"Tangina uuwi pa ako condo?"


"uwu"


"Amp Hannah"


Binababa na ni Hannah ang binatana ng kotse at at sinenyasan sila Ken na pumasok na.


"gago ka Hannah! Paano kami mag kakasiya?" inis na sabi ni Caleb


"Magpapalit tayo ng sasakyan mamaya, huwag kang choosy! Mamili ka lrt o sisiksik ka muna diyan ng wala pang isang oras"


Pumasok na sila kotse at nagsiksikan sa likod, natatawa na lang ako sa sa itsura nila. Si Tian ang nasa kabilang dulo si Aziel at Caleb naman ang nasa gitna at nasa likod ko si Ken, kaya nakikita ko si Tian gawa na din ng salamin sa unahan.


"Ano nagtitingnan lang? Ayaw mag usap" pang iinis ni Aziel


Umirap lang ako at pinagpatuloy ang pag drive, nakarating na din kami ng condo umakyat muna kami para mag lunch mag 12 p.m. pa lang naman kaya hindi kami late sa lunch.

Kung sakaliWhere stories live. Discover now